Napaka-personal naman pala nitong si Willie Revillame, pati kasal ng kaibigang si John Estrada ay tsinatsapter. Akalain mong sa galit nito dahil sa ginawa ni John na pagbabalik ng ABS-CBN, hindi na rin daw nito sisiputin ang kasal ng kaibigan.
Kailan ba mawawala ang bitterness sa puso ni Willie sa pagkakaalis niya sa kabilang istasyon? Dapat masaya na siya dahil malaki na ang kinikita niya sa bago niyang programa.
Bakit hindi na lang niya isipin ang magagandang nangyayari sa buhay niya kesa mag-isip ng masama sa kapwa.
Hanapbuhay ang kailangan ng kaibigan mo. Hindi mo sila kasingyaman. At hindi naman nila tinapatan ang show mo.
Alessandra nadagdagan na ang pera sa bangko
Nakakainsulto nga kay Alessandra de Rossi na sabihin na nagtitiyaga na lamang siya sa pagkain ng noodles dahil kakaunti ang projects niya eh malaki ang bayaran niya. Malaki ang amortization ng bahay niya at anim na taon pa niya itong babayaran.
Kung sabagay wala namang nakakahiya sa pagkain ng noodles. Ulam na ito ng maraming Pilipino.
Ngayong kasama siya sa bagong serye ng Dos, malaki ang pasasalamat ni Alex dahil lalaki na naman ang bank account niya, bagaman at hindi niya sinabing ga-graduate na siya sa pagkain ng noodles. Ito ang magiging obvious na resulta ng bagong trabaho niya. Pero nakapagtataka kung bakit kumonti ang projects niya, gayung ang galing-galing niyang artista.
Puwedeng artista…
Puwedeng-puwedeng artista si Luane Dy ha! Napanood ko siya sa I Heart You Pare at hindi lang maganda ang registration niya, marunong na rin siyang umarte. I heard hindi niya first time na umarte. Pero paano siya napunta sa news?
Kung sabagay, asset din siya sa news although sa pagbibigay ng mga entertainment at hindi hard news. Parang artista na rin siya, tulad ni Pia Guanio.
Sana masundan pa ang I Heart You Pare. Marami siyang bidang babaeng pasasakitin ang ulo pero bilang bahagi ng news, ‘di siya puwedeng tumanggap ng mga kontrabida roles. At heard ko, gustung-gusto niyang sumikat bilang artista pero kapag pinapili mo between acting and news hindi siya makapili.