Walang regalo ang makapagbibigay ng mas higit pang kaligayahan kay Anne Curtis ngayong Valentine’s Day kundi ang isang green rose. Napag-alaman nito sa kanilang pagso-shoot ng adaptation ng Koreanovelang Green Rose na sumisimbolo ang nasabing bulaklak ng isang walang katapusang pag-ibig.
Wala nito sa Pilipinas. Kung meron man ay baka mahirapang maghanap ang sinumang magbibigay nito sa kanya. Pero anong malay natin, baka umabot sa pagpo-prodyus ng ganitong uri ng bulaklak ang kagalingan ng mga Pinoy. Bagaman at matatagpuan lamang ito sa New Zealand, baka makatagpo tayo nito sa Dangwa na kung saan nakakabili ng mga rosas na hindi lamang kulay pula, puti at pink, kundi maging blue, yellow at purple. Just give them your order a few hours in advance at baka maski na anong kulay ay makaya nilang ibigay sa inyo.
A bunch of green roses will give her the utmost pleasure more than a pair of earrings, a ring, bracelet or necklace.
“Kayang kong bumili ng mga ito,” sabi niya sa mga kaharap niyang press nung grand launch ng Green Rose, isang bagong serye ng Dos na magsisimulang mapanood sa Lunes, February 14, starring Anne, Jericho Rosales, Jake Cuenca at Alessandra de Rossi.
Tatlo ang direktor nila, sina Dondon Santos, Manny Palo at Darnel Joy Villaflor. Sa tatlo, si Manny lamang ang dumalo sa presscon kaya siya ang nasalang sa Q&A portion.
When asked kung may mga binago ang Tagalog adaptation sa original story at kung ano ang masasabi niya sa kanyang apat na artista, sinabi ni Direk Manny na “Truthful ang adaptation sa original. Tamed konti ang action at nilagyan ng konting comedy para pambalanse.
“Alex was my favorite actress until Anne came along. Pagkagaling na pagkagaling ko ng India where I went for my scholarship, siya ang una kong nakatrabaho sa isang komersiyal. She was a pleasure to work with.
“I worked briefly with Jake sa Ruby. I was apprehensive at first dahil masyado siyang pormal. Nakakatakot siya dahil hindi ko alam minsan ang gagawin niya sa eksena namin.
“First time ko pa lang makita si Jericho, wish ko nang makatrabaho siya. Tumatagos sa screen ‘yong pagiging aktor niya. Nagri-rehearse pa lang kami, bumabaha na ng luha nila ni Jake. When we took the final take, it was much much better. I’m so honored to work with four of the finest young actors of this generation,” papuri niya.
Napaka-ironic na unang nagkatagpu-tagpo ang apat na Kapamilya stars sa Kapuso Network na kung saan pare-pareho silang nagsimula. Si Jericho ay produkto ng Mr Pogi talent search ng Eat Bulaga.
Luis sobra-sobra ang selos kay Phil Younghusband
I’m sure abut-abot ang selos na nararamdaman ni Luis Manzano ngayong may bagong nagpapakita ng interes sa kanyang ex na si Angel Locsin. Mabuti na lamang at may work on Valentine’s Day si Angel kaya hindi napagbigyan ang imbitasyon ng Azkalz member na si Phil Younghusband na sumama itong makipag-date sa kanya sa Araw ng mga Puso. Pero hindi naman tahasang tumanggi ang aktres. Sinabi nito na baka sa ibang araw ay pumwede silang lumabas.
Hindi kaya ang banyagang manlalaro ang matagal nang hinihintay ni Angel?
After ng episode nila ni Luis ay hindi pa ito nagkakaroon ng bagong karelasyon. Wala rin itong nababalitaang manliligaw.
Ngayon lang parang payag si Angel na makilala ang poging manlalaro.