Kaya nang makipagbiruan Bea hindi na intimidated kay Robin

Noong hindi pa nagsisimulang mag-taping ang teleseryeng Guns and Roses ay inamin ni Bea Alonzo na kinakabahan siyang maka-trabaho ang bago niyang leading man na si Robin Padilla. First ever team up kasi ito ng dalawa kaya talagang kinabahan ang lead actress noong una.

Ngayon ay ilang beses nang nagkasama sina Bea at Robin sa taping ng nasabing serye kaya na-overcome na ng aktres ang takot at kaba niya sa lead actor. “Hindi na ako intimidated sa kanya. I’m really comfortable now. Mapagbiro rin pala siya na hindi pala ganun kaseryosong tao. Nakakabiruan ko rin siya,” kuwento ni Bea.

Samantala, masayang-masaya ang aktres nang malaman nito na nakatanggap ng international recognition ang natapos niyang serye na Magkaribal, nominado ito sa New York Television Festival ngayong taon.

“I’m happy to hear that. I’m really proud of Magkaribal, and gusto ko rin i-congratulate ang Dahil May Isang Ikaw for being also a nominee,” pahayag ng aktres.

Very excited na ngayon si Bea sa pag-attend ng awards night for New York Television Festival na gagawin ito sa Las Vegas nga­yong April. Looking forward din siyang makasama si Gretchen Barretto sa nasabing awards night.

“I hope so, with everyone kung puwede especially with Ate Gretchen because I’m dying to travel with her,” pagtatapos pa ni Bea.

Mamayang gabi ay isang kakaibang love story ang handog ng Maalaala Mo Kaya para sa kanilang Valentine offering. Tampok si Bea at ang nanliligaw sa kanya ngayong si Zanjoe Marudo para sa nasabing episode.

Cristine ayaw nang isuot ang singsing na bigay ni Rayver

Kamakailan ay napabalitang nagkaroon ng tampuhan ang magkasintahang Cristine Reyes at Rayver Cruz. Na-misplace kasi ni Cristine ang promise ring na ibinigay sa kanya ni Rayver at iyon daw ang naging simula ng hindi pagkakaunawaan ng dalawa. Ngayon ay masayang ibinalita ng aktres na natagpuan na niya ang nasabing promise ring.

“Nasa akin na! Nakuha na namin, nasa room ko lang pala. All the while akala ko ay nasa bag, nasa kotse, naiwan sa shooting, ’yun pala ay hindi,” natatawang kuwento ni Cristine.

Pero kahit nakita na ang singsing, mas makabubuti ngayon kung hindi niya muna isusuot ang singsing. Dagdag ni Cristine, “Sabi ko sa kanya, ’di ko isusuot kasi baka maiwala ko ulit. Hindi kasi ako sanay magsuot ng alahas. Ayokong nagsusuot ng alahas.”

Ngayong papalapit na ang Valentine’s Day, ayaw nang mag-expect ng dalaga kung ano ang matatanggap niyang regalo mula sa actor-boyfriend. “May trabaho kaming pareho kaya work muna, marami pa namang Valentine’s na darating,” sabi ni Cristine.

Sobrang nagpapasalamat din ang aktres sa lahat ng sumuporta sa teleseryeng Kristine na matagumpay na nagtapos kagabi.

Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments