^

PSN Showbiz

Hindi totoo!, Bubbles pumiyok sa blind item ni Mo Twister

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Nag-usap kahapon sa telepono sina Bubbles Pa­raiso at Mo Twister. Naganap ang kanilang pag-uusap habang nasa presscon si Bubbles ng Nita Neg­rita.

Nakarating kay Bubbles na siya ang subject ng blind item ni Mo sa Juicy tungkol sa aktres na nagtaray dahil nalaman nito na may bayad ang accommodation and everything ng kasal na dinaluhan niya sa Bicol.

Nahulaan na si Bubbles ang aktres na tinutukoy dahil sa clue ni Mo na Bubbles in paradise.

Nagpaliwanag si Bubbles kay Mo at sa mga reporter na kaharap niya sa presscon ng Nita Negrita na hindi totoo ang blind item. Sa umpisa pa lang, alam ni Bubbles na sila ng kanyang mga kaibigan ang magbabayad ng plane fare at hotel na tinuluyan nila sa Bicol nang dumalo sila sa kasal nina Maggie Wilson at Victor Consunji kaya bakit siya magtataray?

May idea si Bubbles sa identity ng tao na nagkalat ng balita pero dedma na lang siya dahil hindi totoo ang paninira sa kanya.

Dahil nagkausap sila ni Mo, hoping si Bubbles na maitutuwid ang maling blind item tungkol sa kanya.

* * *

Hindi kasali si Maritoni Fernandez sa cast ng Nita Negrita pero umapir siya sa presscon bilang suporta sa kanyang anak na si Lexi Fernandez.

Si Lexi ang gaganap na kontrabida sa buhay ni Nita Negrita. Sa tunay na buhay, mabait na bata at hindi marunong magmaldita si Lexi. Kabaligtaran siya ng kanyang ina na palaban at hindi puwedeng api-apihin.

Tumatawa lang si Maritoni kapag tinutukso ito na stage mother siya. Nanay na nanay si Maritoni na bitbit ang digital camera niya at panay ang kuha ng litrato sa kanyang unica hija.

Pumayag si Maritoni na mag-artista si Lexi dahil hilig nito ang pag-arte pero may kundis­yon siya, kailangang tapusin ng bagets ang pag-aaral kapag tumuntong na ito sa college.

* * *

Isang executive ng GMA 7 ang nagpatotoo na ang kontrata na hindi agad napirmahan ng kampo ni Kristoffer Martin ang dahilan kaya nawala siya sa cast ng Nita Negrita.

Hindi ko na papangalanan ang executive na natawa sa isyu na hindi type nina Barbie Forteza at Joshua Dionisio na makatrabaho si Kristoffer kaya natsugi ito sa Nita Negrita. Walang power sina Barbie at Joshua o ang kanilang mga magulang na magpatanggal ng mga artista na hindi nila feel.

Baka blessing in disguise para kay Kristoffer ang nangyari dahil puwedeng mas magandang role at project ang maging kapalit ng pagkawala niya sa cast ng programa.

* * *

May part 2 ang pakikipagpareha ni Richard Gutierrez kina Lovi Poe at Solenn Heussaff dahil ang dalawa ang leading ladies niya sa Captain Barbell.

Sina Lovi at Solenn ang mga kapareha ni Richard sa second episode ng My Valentine Girls at marami ang nagkagusto sa makatotohanan na kuwento ng episode na may pamagat na BBFF. Nagsimula kahapon ang taping nina Lovi at Solenn para sa Captain Barbell.

* * *

Tatlong araw sa Baguio City ang mga artista at production staff ng Ang Utol Kong Hoodlum dahil doon kinunan ang mga eksena ng primetime show ng TV5 na magsisimula sa April.

Kung mainit na mainit ang panahon kahapon sa Metro Manila, malamig sa Baguio City kaya nagpagawa si JC de Vera ng mga jacket para sa lahat ng production staff member ng kanyang pinagbibidahan na show.

vuukle comment

BAGUIO CITY

BUBBLES

CAPTAIN BARBELL

DAHIL

MARITONI

NITA NEGRITA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with