Lovi laging gustong umiyak
Sa tulong ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), magsasagawa ang Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM) na nasa pamumuno ngayon ni Ogie Alcasid ng isang nationwide search para sa Total OPM Performer. Ang proyektong ito ang sagot ng PAGCOR sa panawagan ni P-Noy sa kanila na tumulong at sumuporta sa mga adhikain ng OPM na i-promote ang Filipino talents.
Ang paligsahan ay bukas sa lahat ng mga amateur Filipino singers o maski na sa mga mayroong dual citizenship, may edad 18 pataas, at hindi pa nananalo sa kahit alin mang national singing competition.
Hindi maaaring sumali ang mga kawani ng OPM at PAGCOR.
Lahat ng interesado ay maaaring makapag-download ng official registration forms mula sa OPM o PAGCOR websites (http://www.pagcor.ph) o maaaring kumuha nito ng libre sa lahat ng PAGCOR casino nationwide.
Kinakailangang lahat ng sasali ay magbigay ng complete application package kasama na ang proof of citizenship and age, passport, NSO authenticated birth certificate kung walang passport, at mga ID tulad ng driver’s license, SSS o GSIS ID, postal, school o company ID. Ipadala via e-mail sa [email protected] o sa OPM Unit 3016 Swine Elan Suite, 49 Annapolis, Greenhills 1500, San Juan City o sa PAGCOR Entertainment Dept., PIRC Bldg., Ninoy Aquino Ave., Parañaque City.
* * *
Hindi na magawang itago pa ni Lovi Poe ang kanyang kalungkutan kahit pa ang buong kapaligiran niya ay masaya, nagdiriwang dahil palabas na ang pelikulang pinaghirapan nila.
Sa gitna ng kasiglahan, ingay, at katuwaan ng lahat sa premiere night ng My Valentine Girls si Lovi Poe, maganda sa kanyang kasuotan pero parang napakalungkot at galing sa pag-iyak.
Kalalabas pa lamang niya ng ospital at lumabas lang talaga siya para makadalo sa premiere night.
Ayaw na siyang tanungin ng press tungkol sa kanyang naging karamdaman dahil siguradong hindi naman niya ito bibigyan ng linaw. Palaging paghingi ng dispensa ang naririnig mula sa kanya sa kawalan niya ng sagot sa maraming katanungan tungkol sa usapin ng kanyang puso.
Dahil pang Valentine’s Day ang pelikulang katatapos lang niyang gawin tungkol sa pag-ibig, pero mas light than serious. Mas nakakatawa rin ito kesa nakakaiyak but why is it that Lovi is always on the verge of crying? Obvious ito, lalo na nung premiere night ng kanyang pelikula. Siguro dahil masaya ang atmosphere, lahat nagsasaya. Hindi man siya nagtatatalon at ngumingiti rin naman, pero hindi umaabot ang ngiti sa kanyang mga mata? Napaka-elusive pa niya, ni halos ayaw nang makipag-usap.
Obviously, dinaramdam niya ang pagkakadawit ng boyfriend niya sa kanya sa kaso nito. Siya ang sinabing dahilan kung bakit may dala itong droga.
- Latest