Nagkamali nang kinahulan!

Seen : Ang Tweet ni Hayden Kho, Jr. na sinagot at tinarayan ni Sharon Cuneta : “There’s a billboard ad in Edsa developed by advertisers who think consumers are stupid. Guess.”

Scene : Barking up the wrong tree si Sharon Cuneta dahil ibang billboard sa Edsa ang tinutukoy ni Hayden, hindi ang billboard niya para sa Marie France.

Seen : Aspiring actor si Gio Salvador, ang Italian model na nali-link kay AiAi delas Alas. Kaibigan si Gio ng mga Brapanese model na nag-aartista sa Pilipinas.

Scene : Mangyayari ang Valentine wish ni Anne Curtis na makatanggap sana siya ng green roses dahil nakukulayan na ng jobus dye ang white roses. Nauna nang natupad noong dekada ‘80 ang wish ni Jackielou Blanco na makatanggap ng blue roses.

Seen : NR o no reaction ang fans na nasa loob ng SM Megamall Cinema 9 nang dumating ang magkapatid na Maxene at Elmo Magalona sa premiere night ng My Valentine Girls.

Scene : Ang special participation nina Mylene Dizon at Agot Isidro bilang gay lovers sa My Valentine Girls.

Seen : Ang Prey ang project na nawala kay Baron Geisler na dinamdam at ikinagalit nito. Ang Prey ang pelikula ni Cannes Filmfest best director Brillante Mendoza.

Scene : Ang headline ng dzMM Teleradyo : ‘Sagupaan ng Philippine Azkals at Team Magnolia, ngayong gabi na!’ Baka Mongolia?

Show comments