Sam 'malakas' uminom

MANILA, Philippines - Si Sam Pinto ang napili na bagong endorser ng San Mig Light, na siyang nangungunang low-calorie beer sa buong bansa.

“I feel so blessed, this is a dream come true. The San Mig Light project is definitely a breakthrough in my young career,” wika ng 21 anyos na actress-model.

Sa naturang commercial ay two-piece bikini ang suot ni Sam na nagpakita ng kanyang “katawang pang-San Mig Light.” 

“I love swimming and outdoor activities. I also play badminton,” ani Sam. “Frequent small feeding works for me,” dagdag pa niya tungkol sa kanyang seksing pigura.

Sumisikat pa lalo si Sam kaya’t maraming proyekto ang nakalinya para sa kanya. Gayunpaman, hindi niya nakakaligtaang makasama ang barkada.

 “I go for San Mig Light because it is low-calorie and magaan sa tiyan. So there’s no worry even if I finish around a bucket when I unwind with my friends,” sabi ni Sam.

Show comments