^

PSN Showbiz

Fra Lippo Lippi nagso-solo na!

- Veronica R. Samio -

Matapos gampanan ang papel ni Pepeng Agimat mahigit isang taon na ang nakalipas, nagbabalik si Jolo Revilla upang muling ipagpatuloy ang alamat ng kanyang lolo sa Agimat Presents Ang Mga Alamat ni Ramon Revilla.

 “This will be the second time that I will be giving life to a classic character originally played by my grandfather. Siyempre the pressure is there, but full support naman ang family ko sa akin. Ayoko naman silang ipahiya siyempre po,” kuwento ng aktor na may bagong katambal in the person of Rima Ostwani. Remember her, Diether Ocampo’s ex?

Yes, natuloy din ang pag-aartista ng napakagan­dang baguhan na hindi naman nahirapan sa kanyang unang salang sa kamera.

“Everybody was so kind, especially Jolo. Pa­rang lahat were ready to extend a hand to make me relax. But siyempre, I can not help but feel scrutinized whenever I have a scene. I was so afraid to fail them but it didn’t happen. Everybody was so helpful. Inalalayan nila ako,” sabi ng bagong leading lady.

Ang orihinal na Kapitan Inggo ay binigyang buhay ni Ramon Revilla, Sr. noong 1984 sa isang pelikula.

Ang Agimat Presents Kapitan Inggo ay mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Showtime sa ABS-CBN.

* * *

Puwede nang sabihin ni Toni Gonzaga na kumpleto na ang kanyang pagiging isang artista matapos siyang lumabas sa isang espesyal na episode sa Maalaala Mo Kaya (MMK) nung Sabado ng gabi.

Sanay sa comedy si Toni kaya hindi mo maiaalis na makaramdam siya ng pressure dahil drama ang sinabakan niya, pero sasandali lamang ito. Nang magsimula nang gumiling ang kamera ay nawala na completely, napalitan na siya ng isang performer na nagawang dalhin ang kanyang karakter sa isang mas mataas na lebel ng pagganap o performance.

* * *

Maraming Valentine show ang magaganap kundi bago ang mismong araw nito ay pagkatapos na, pre-Valentine o post Valentine na. Hindi naman mahalaga kung kailan kailangang ipagdiwang ang Valentine’s Day, hindi naman kailangang eksaktong Feb. 14, puwedeng sa ibang araw basta sa buwan ng Pebrero.

Isa sa mga foreign acts na nakakuha ng playdate sa mismong Valentine’s Day ay si Per Sorensen ng pamosong grupo nung ’80s na Fra Lippo Lippi. Mapapanood ang kanyang concert sa NBC Tent sa Feb, 14. Bago ito, magdaraos din siya ng konsiyerto sa Ormoc Astrodome, Peb. 10; Tacloban Coliseum, Peb.11; University of Baguio, Peb. 12; at Waterfront Cebu, Peb. 13.

Dalawa ang orihinal na miyembro ng Fra Lippo Lippi. Nagpasyang tumigil sa pagkanta si Rune Kristofferson kaya ipinagpatuloy ni Per Sorensen na itaguyod ng mag-isa ang Fra Lippo Lippi.

Ilan sa mga hits nito ang The Distance Between Us, Angel, Beauty and Madness, Shouldn’t Have To Be Like That, Light and Shade, Stitches and Burn, Thief in Paradise, Freedom, Coming Home, Later, Some People, at Crazy, Wisdom at Everytime I See You.

AGIMAT PRESENTS

ANG AGIMAT PRESENTS KAPITAN INGGO

ANG MGA ALAMAT

BEAUTY AND MADNESS

COMING HOME

DIETHER OCAMPO

FRA LIPPO LIPPI

PEB

PER SORENSEN

RAMON REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with