^

PSN Showbiz

Kaya nagpapahatid-sundo sa service, aktor walang pamasahe papunta sa taping

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Gusto naming isiping nagtitipid lang ang isang actor kaya hatid-sundo mula sa kanyang bahay hanggang sa location ng ginagawang soap at hindi dahil wala siyang pamasahe, gaya nang sinasabi nitong rason sa staff ng soap.

May kalayuan ang bahay ng actor sa location, kaya nakiusap sa staff kung puwedeng sunduin at ihatid siya sa kanyang bahay after the taping dahil wala siyang pamasahe. May regular show siya, saan kaya napupunta ang talent fee ng actor? Sabagay, every 15 days ang suweldo at nauubusan siguro siya ng cash.

Hindi na masyadong active ang actor dahil na rin sa kapalpakang pinaggagawa niya at hindi pa iningatan ang katawan. Mabuti na lang at may kumukuha pa sa kanya at hindi pa umabot sa puntong manghingi ng pera sa mga kaibigan.

Big Swap nina Anne at Marian, hindi totoo

Agad naming tinanong si Popoy Caritativo, manager ni Marian Rivera sa nabalitang magkakaroon ng big swap ang Regal Films at Viva Films at gagawa ng pelikula sa Viva Films si Marian at si Anne, gagawa ng movie sa Regal.

“Not true,” ang sagot ni Popoy. Magiging busy daw ang aktres sa mga susunod na araw at wala itong time gumawa ng pelikula at kung gagawa man ng movie, uunahin ang remake ng Temptation Island na una na nilang tinanggap.

Dagdag pa ni Popoy, malapit nang mag-taping ng horror-commedy si Marian, ang Ang Spooky Mo…Presents Bampirella at storycon na ng Amaya sa February 16 at susunod na rito ang madugong taping.

May napili na raw leading men para kay Marian sa nasabing epic serye to be directed by Mac Alejandre at makikilala na sila sa storycon.

Jon Avila naglilibot sa tatlong channel

Isa sa nag-audition sa Amaya para makapareha ni Marian Rivera ay si Jon Avila at umabot ang actor sa pagsusuot ng bahag sa audition, pero ‘di pa raw sure kung nakapasa ito.

Nalaman ng TV5 ang pag-o-audition ni Jon at dapat lang na tanungin nila ang actor at ang mana­ger nitong si Neil de Guia dahil may mga show sa kanila ang binata. Pero wala pala itong exclusive contract at walang magiging conflict sakaling masama sa Amaya dahil iba ito sa shows nito sa TV5.

Wala rin itong exclusive contract sa ABS-CBN, kaya libreng lumabas sa kahit saang channel.

Nag-audition din si Jome Silayan, apo ni Vic Silayan at malaki raw ang chance na mapasama ito sa cast. Isang model ang binata bago pasukin ang showbiz.

Sisid hold muna

Totoo ang tsikang hindi muna gagawin this February ang Sisid dahil sa plugging ng new shows ng GMA 7, ang show lang ang walang airing date at sa halip “soon” ang nakalagay.

Nabasa rin namin ang tweet ni Dominic Roco, isa sa makakapareha ni Jackie Rice sa Sisid na “looks like Sisid won’t be airing this Feb.”

Ang drama na Moral ang balitang papalit sa Sisid and by this time, na-fina­l­ize na ang cast at makakasama si Nadine Samonte.

Hindi pa namin isinulat ang aktres na isa sa mga bida ng soap dahil hindi pa tiyak kung tatanggapin nito ang project dahil may nauna nang commitment.

AMAYA

ANG SPOOKY MO

BIG SWAP

DAHIL

DOMINIC ROCO

JON AVILA

MARIAN RIVERA

SISID

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with