ABS-CBN panalo sa national TV ratings noong Enero

MANILA, Philippines - Sa pagpasok ng 2011, patuloy pa ring nangu­nguna sa national TV ratings ang ABS-CBN at hindi pa rin matinag ang mas lalo pang tumitinding Primetime Bida nito base sa pinakahuling datos ng kumpanyang Kantar Media.

Pumalo sa 40% national audience share ang primetime block ng ABS-CBN noong Enero laban sa 31% ng GMA 7.

Mas pinanood ang Noah (27.6%) nina Piolo Pas­cual at Zaijian Jaranilla.

Panalo naman ang Mara Clara na nakakuha ng 29.6% rating o higit 10 puntos.

Samantala, umangat na­man ang fantaserye na Mutya sa unang labas nito noong Enero 31 sa rating na 32.6%, na nagdala rito sa tuktok ng top 10 prog­rams para sa buwan ng Enero nationwide kasama ang walo pang programa ng ABS-CBN.

Naroon din ang Mara Clara na may average rating na 30% na sinusundan naman ng Noah (27.7%) at ng nangungunang newscast sa bansa, ang TV Pat­­rol (27.2%).

Nasa ika-limang puwesto naman ang Imortal sa rating na 26.3% kasunod ang mga nangungunang programa sa weekend na Wansapanataym (24.3%) at Maalaala Mo Kaya (23.4%).

Pasok din ang Rated K (21.6%) ni Korina San­chez bilang pinakatinututukang current affairs show pa rin sa bansa sa ika-walong puwesto, at ang Goin Bulilit (21.2%) naman na nasa ika-sampu.

Sa kabuuan, ABS-CBN pa rin ang wagi sa buong Pilipinas pagkatapos magtala ng pinakamataas na audience share na 36% kumpara sa 34% ng pina­kamalapit na kalaban. 

Show comments