^

PSN Showbiz

Payat na ba talaga si Mega?

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Hindi ako magtataka kung bakit marami ang nagsa­sabing salat sa katotohanan ang billboard ni Sharon Cuneta na inilagay sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila para sa isang body clinic na dalawa ang inilagay na larawan niya, before and after the procedure, ’ika nga.

Ang laki nga naman ng diperensiya! Hindi ito nakikita ng mga nakakadaupang-palad ng Megastar. Sinasabi nilang totoong pumayat na siya pero hindi ganun kabilis. At lalong hindi ganun kapayat!

Nagsisinungaling umano ang kumpanyang inendorso ni Mega, hindi nagsasabi ng totoo, masyadong exaggerated. Pero itinanggi ito ng kumpanya, kaya hindi nila tatanggalin dahil si Sharon mismo ang ebidensya nila.

Heto ang isang labanan na gusto kong makita ang dulo. At palagay ko kakailanganin ni Mega na mag-double time para maging makatotohanan ang billboard niya. The final result will prove beneficial to the body clinic kapag napatunayang totoo at kung hindi naman ay magiging malaking kabawasan sa kanilang kredibilidad. Aabangan ko.

*    *    *

Hindi big deal kung iwan man ni Aga Muhlach ang ABS-CBN. Alam kong hindi niya ito gagawin ng ganun na lang basta. True enough, I heard nagpaalam ito ng mahusay, at kay Mr. Gaby Lopez pa.

Wala namang makapipigil kung gusto ng isang artista na makahanap ng mas magandang lugar para sa kanya. Lalo’t wala namang kontrata na pumipigil sa kanya. Pero si Aga, nagpaalam pa rin ng mabuti at hindi lang basta-basta lumayas ng ABS-CBN. While he has found a place where the grass is greener, at kung saan puwede pang luma­go ang career niya, andun pa rin ’yung respeto at pasasalamat sa magandang pag-aalaga na ginawa sa kanya ng Dos. May naririnig ba tayong intriga at paninisi sa ginawa niya? Wala dahil umalis siya ng maayos at naaayon sa kagandahang asal. Bilib ako sa ’yo Morning!

*    *    *

Isang Kapamilya na rin ang manager at choreographer ng Sexbomb na si Joy Cancio? Siya na ang sinasabing choreographer ng bagong noontime show ng ABS-CBN.

Ibig sabihin ba ’di sila natuloy ng Sexbomb sa TV5? Kung sabagay, mawawala na rin ang Sunday noontime show ng Singko kaya siguro ’di natuloy ang paglipat nila.

vuukle comment

AGA MUHLACH

ISANG KAPAMILYA

JOY CANCIO

MEGA

METRO MANILA

MR. GABY LOPEZ

PERO

SEXBOMB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with