^

PSN Showbiz

Angelica umaming kamukha ang babaeng nasa photo scandal

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Pagkatapos ng successful red carpet premiere ng pelikulang Bulong ay isang malisyosong balita ang kinakaharap ngayon ni Angelica Panganiban.

Mayroon kasing panibagong photo scandal ang aktres na kumakalat sa kasalukuyan. Nag-leak diumano ang nasabing larawan sa Internet kaya kumalat na sa iba’t ibang websites. Sa scandalous photo na tinutukoy ay si Angelica umano ang babaeng nakahubad habang nakababa pa ang bra, nakuhanan ng isang taong malapit o maaaring katabi ng aktres. Exposed ang boobs ng babae sa nasabing photo.

Paano kaya nakarating kay Angelica ang balita at ano ang kanyang ginawa?

“May tumawag kasi sa akin dati pa, sinasabi na ‘Oh, may kumakalat na picture mo pero ’di naman ikaw. Kaya lang may nagke-claim na ikaw nga raw.’ Nagsusuot nga raw ako ng bra. Pinuntahan ko ’yung site, kahit ako ay na-confuse pero alam ko ’yung katawan hindi ako ’yun pero nung tinitingnan ko ’yung mukha, sabi ko grabe, kamukhang-kamukha ko naman ito.

“Hindi po ako iyon. Malayung-malayo po ang katawan ko dun. Sabi ko nga kung puwede kong ipakita ang aking katawan, gagawin ko kaso baka mawalan naman ako ng trabaho,” paglilinaw ng aktres.

Ngayon ay mayroong pakiusap si Angelica sa mga taong patuloy na nagpapakalat ng nasabing photo scandal.

“Hindi ko naman iyan papatulan pero sana ay tumigil na. Sa mga taong nagkakalat nito, mapababae man o mapalalaki, sana ay magkaroon ka ng kaunting hiya. Isipin mo na lang na mayroon kang kapatid na babae o nanay mo, hindi nakakatuwa,” seryosong sabi ni Angelica.

Alfred hindi na sanay maglakad

Sa pagbabalik ni Alfred Vargas sa Kapamilya Network ay isang magandang project ang naibigay sa kanya ngayon. Isa siya sa mga bida sa pinakabagong fantaseryeng Mutya sa Primetime Bida.

Isang merman si Alfred sa nasabing serye kaya naman sobra ang kanyang effort sa kanilang taping sa Nasugbu, Batangas. “Mahirap, kasi unang-una, kailangang kalabanin mo ’yung physical challenges. Sobrang lamig ng tubig, maraming sea creatures na nandiyan, mga jelly fish na nangangagat. To tell you honestly, parang hindi na nga ako sanay maglakad eh. Parang sanay na akong mag-swim na may buntot,” natatawang pahayag ni Alfred.

— Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKO

ALFRED VARGAS

ANGELICA PANGANIBAN

BATANGAS

BULONG

ISA

KAPAMILYA NETWORK

PRIMETIME BIDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with