^

PSN Showbiz

Counterpart ni Ricky Martin, aktor na ayaw umaming bading lalong gumaguwapo habang nagkakaedad

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

PARIS, France — Maraming salamat kay Ms. Babette Aquino ng Paris, France dahil sa kanyang generosity at kindness na ipinakita sa amin.

Si Mama Babette ang tita ni Dra. Vicki Belo na matagal nang residente ng Paris. Inimbitahan kami ni Mama Babette sa kanyang bahay at sa sanda­ling pag-uusap namin, naramdaman ko ang sincerity niya.

Maraming Pilipino sa Paris ang tinutulungan ni Mama Babette dahil kaligayahan na niya ang maka­tulong sa kapwa. Dating house model si Mama Babette ng Kenzo at hanggang ngayon, ang ganda-ganda pa rin niya. Best friend ni Mama Babette si Millet Mananquil, ang lifestyle editor ng The Philippine Star na wini-wish niyang magkita sila.

Nagkasundo kami ni Mama Babette na magkikita sa Pilipinas kapag umuwi siya para mag-bonding uli kami.

*    *    *

May role na iniaalok kay Rep. Lani Mercado para sa Nita Negrita at baka tanggapin niya dahil sa Metro Manila lamang ang taping.

Gusto ni Sen. Bong Revilla Jr. na tanggapin ni Lani ang project dahil malapit lamang ang taping. Ayaw kasi ni Bong ng mga taping sa malalayong lugar dahil hindi niya type na napapagod sa biyahe at napupuyat ng husto ang kanyang misis.

Hindi ko pa alam ang magiging role ni Lani sa Nita Negrita dahil mag-uusap pa kami ni Redgynn Alba sa pagbalik ko sa Pilipinas. Si Redgynn ang production unit manager ng Nita Negrita.

*    *    *

Condolence kay Julius Babao at sa pamilya niya na naulila ng kanyang ama, si Romeo Babao, Sr. na sumakabilang-buhay noong Jan. 30.

Matagal ko nang kilala si Julius at isa ito sa mga credible at competent na TV reporters kaya natuwa ako nang maging news anchor siya ng ABS-CBN. Hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago ang ugali ni Julius.

*    *    *

Marami akong na-miss na presscon dahil sa aking three-day trip sa Paris pero no regrets dahil nag-enjoy ako sa aming biyahe.

Patapos na yata ang winter sa France dahil hindi na masyadong malamig sa third day namin sa Paris. ’Yun nga lang, tinamad na akong mamasyal kaya maghapon akong nanood ng mga news.

Memorized na memorized ko na ang mga kaguluhan na nangyayari sa Egypt at ang mga kalamidad sa Australia.

Sunud-sunod ang mga kalamidad sa Australia kaya nagtanong ako kay Shirley Pizarro kung bakit nakararanas ng mga kalamidad ang bansa na sangkatutak din ang mga Pilipino na naninirahan? Kung matatandaan ninyo, ang Australia ang unang naglalabas ng travel advisory laban sa Pilipinas kapag nagkakaroon ng kaguluhan sa ating bansa.

*    *    *

Napanood ko sa TV na may bagong album si Ricky Martin na guwapung-guwapo pa rin, kahit umamin na bading.

Naalaala ko tuloy ang isang local actor na habang nagkakaedad eh lalong gumaguwapo. Para siyang si Ricky Martin at ang pagkakaiba lang, hindi pa umaamin ang aktor na matagal nang pinagdududahan ang gender. Hindi na masyadong active sa showbiz ang aktor na counterpart ni Ricky Martin sa Pilipinas.

BABETTE

BONG REVILLA JR.

DAHIL

MAMA BABETTE

NITA NEGRITA

PILIPINAS

RICKY MARTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with