Fans ni Kim si Enchong na ang gusto

Kundi pa sa isang baguhang recording company, bago sa Pilipinas pero hindi sa US, na tulad ng 618 (read: Six One Eight) International Records, baka tuluyan na nating hindi narinig ang napakagandang boses ni Aileen Grace Papin. If the name seems familiar, ito ay dahilan sa bunsong kapatid siya ng itinuturing na Jukebox Queen na si Imelda Papin.

Maliit pang bata si Aileen ay naringgan na rin ito ng isang magandang boses. Pero dahilan sa ang buong atensiyon at puwersa ng pamilya niya ay nakatuon sa pagsusulong ng career ng kanyang Ate Mel kung kaya Aileen had to do it by herself, ’yun nga lang hindi niya inabot ang kasikatan ng kanyang kapatid. Pero hindi ibig sabihin lesser ang talent niya. Katunayan, marami sa nakarinig sa kanya nung pormal na ilunsad ng 618 International Records ang kanyang self-titled debut album kasabay ng dalawa pang album, ang Bakit ni Imelda na kung saan tampok ang duweto nila ni Mommy Dionisia Pacquiao ng nasabing awitin at ang Inspirational Songs of Various Ar­tists na nagtatampok bukod kina I­mel­­da at Aileen Grace sa nag-iisang anak ni Imelda na si Maffi, ang isa pa niyang kapatid na si Gloria, Garry Cruz, Philippine Madrigal Siblings, Cesar Coco, at Jessica Arcilla. Ilan sa nag-compose ng mga songs sa album ay sina Sherwin Castillo, Art Madrigal, at Mon del Rosario.

Hindi pa pormal na naire-release ang album ni Aileen Grace ay marami na ang naghahanap dito sa mga record bars. Paano kasi lahat nang nakakarinig ng mga awitin niya ay nagagandahan hindi lamang sa boses niya kundi sa mga awitin niya mismo. Isang inspirational album ang naisip niyang i-record para makapagbigay ng pag-asa sa lahat ng tao. Sa mga hindi nakakaalam, nakapag-perform na siya sa labas ng bansa, sa US, Canada, Australia, at ilang bahagi ng Asya. Bago siya pumunta ng US nagkaroon siya ng programa sa TV, sa kanyang probinsya sa Bikol sa ilalim ng ABS-CBN. Nakalabas din siya sa ilang pelikula at kumanta sa mga 5-star hotels. Kamakailan ay na­bigyan siya ng award bilang 2010 Asian Star Entertainer at Outstanding Female Performing Artist sa 12th Annual Asian Star Awards.

Ganito kaaga ay iniintriga na si Aileen Grace sa kanyang kapatid na si Imelda. Sinasabi kasi nila na bukod sa mas magaling at mas maganda siya sa kanyang kapatid ay baka siya rin ang kumuha ng puwesto nito sa daigdig ng musika at recording. Natatameme lamang si Aileen at walang maisagot pero si Imelda ang unang nagri-react.

“Okay lang, wala namang rivalry sa aming magkapatid. Aileen could have easily made a big name as a singer, too pero mas pinili niyang suportahan ako at ngayon lang siya nag-decide to embark on her own career.

“For my part, I’ve decided na ako naman ang tutulong sa kanya. She deserves it, hindi lang siya isang mahusay na singer, isa rin siyang mabuting kapatid,” sabi ni Imelda who is 618 International Records’ major artist. The company has successfully recorded albums, mounted shows, and produced television shows and radio programs in the US. Headed by Oscar Parel as its CEO, layunin ng kumpanya na ma-promote ang kapakanan ng mga Filipino artists at makapag-develop pa ng local talents.

* * *

Tila wala namang naapektuhan sa sinasabing pagkakamabutihan nina Kim Chiu at Enchong Dee. Maski na ang mga fans nila ay tila walang pagtutol na nangyayari. Is it because, after Gerald Anderson, wala pang nakikitang kapalit si Kim at maski naman si Erich Gonzales ay open sa kanyang happiness na meron nang nagpapasaya sa kanyang ka-love team bukod sa kanya? Hindi nga lang niya tiniyak kung si Kim nga ito.

* * *

 Bukod sa pagbibigay ng balita at pagiging bahagi ng mga programang Unang Hirit at 24 Oras, inamin ni Luane Dy na gustung-gusto niyang umarte. Katunayan, masaya siya dahil pinayagan siya ng news department ng GMA na gumanap ng role sa pinakabagong serye ng network, ang I Heart You Pare, ang Regine Velasquez-Dingdong Dantes-starrer. Ginagampanan niya ang role ni Nikki, ang girlfriend ni Ian Veneracion, older brother ni Dingdong. Ipinagkasundong ipakasal kay Ian (Ramon) kahit sila ni Kenneth (Dingdong) ang nagmamahalan.

Acting talaga ang love ni Luane pero sa hosting siya unang nasabak. Kumuha siya ng acting workshop sa Viva sa pamamatnugot ni Direktor Joel Lamangan. Para sa I Heart You Pare, sumailalim silang lahat ng cast sa isang assessment workshop. Sa kabila nito, starstruck pa rin siya sa mga kasamahan niya nung first taping day nila.

Unang gumawa ng mga commercials si Luane bago siya nagtrabaho sa Dos. Nakalabas siya sa seryeng Precious Hearts at sa pelikulang The Wedding. Gusto sana niyang maging isang international model pero kulang siya sa height kaya nag-artista siya. When her handler transferred to GMA, isinama siya nito. Sorpresa rin sa kanya ang pagkakabilang sa news department ng GMA. Accountancy ang kinukuha niya sa FEU.

Bagama’t hindi niya sinabi ang pangalan ng kanyang showbiz boyfriend nahulaan agad ito ng mga nag-interview sa kanya dahil nagtugma ang mga na­ging sagot nila ng kanyang boyfriend, kahit magkahiwalay pa silang ininterbyu. Kasama rin ang guy sa cast ng I Heart You Pare tulad niya. Last month lamang nagsimula ang kanilang relasyon.

Show comments