MANILA, Philippines - May panggulat factor si Lovi Poe sa My Valentine Girls as in pantapat sa pinag-uusapang kissing scene nina Richard Gutierrez at Solenn Heussaff sa BBFF episode ng pelikula.
Tiyak na maraming gugulatin si Lovi once na maipalabas na ang My Valentine Girls sa Pebrero 9 dahil hindi lang pala isa ang kissing scene nila ni Richard.
Aminado nga ang dalaga na madali siyang napapayag ng direktor nilang si Andoy Ranay sa maraming kissing scenes nila ng aktor sa Valentine movie nila dahil para sa kanya ay “true gentleman” naman ang binata at wala sa tipo ang mambabastos sa mga maselang eksena.
“The first time na sinabi sa akin ni Direk Andoy na kukunan na ’yung kissing scene namin ni Richard, nag-yes ako kaagad and nag-ready na ako. Actually, noong sabihin pa lang sa akin ni Tito Leo (Dominguez, her manager) na kasama ako sa My Valentine Girls, sinabi na sa akin kaagad na may mga kissing scenes kami. ’Yun nga, hindi lang daw isa, marami pala,” kuwento ni Lovi.
Natural lang na sa tuwing may kissing scene na kukunan sa kanila ni Richard ay nagto-toothbrush at nagma-mouthwash siya.
Saka hindi rin maiwasang makaramdam siya ng kilig, hindi lang sa mga kissing scenes nila ng binata, kundi sa lahat ng mga eksena nila, dahil aminado naman siya na matagal na niyang crush si Richard.
Feeling ni Lovi kaiinggitan siya ng mga dati niyang kaeskuwela na tulad niya ay fan din noon ni Richard.
Samantala, kahit nali-link si Richard kay Solenn, hindi naman nagseselos si Lovi dahil equal naman ang pag-aasikasong ginagawa sa kanila ng binata.
“Actually, last Monday, sobrang na-touch ako sa pagdalaw ni Richard sa taping ko ng Little Star. Malayo kasi ’yung location namin at sinadya talaga niya ’yung lugar na ’yon para kumustahin ako,” kuwento ni Lovi.
Ganun, may dalawa nang nangyayari? Baka naman imbes na sina Solenn at Richard ang ma-link, baka naman sina Lovi and Richard ang magkaayos pagkatapos ipalabas ang pelikula nila?
Paghahandaan ni Lovi ang premiere night ng My Valentine Girls na gaganapin sa Cinema 9 ng SM Megamall sa Pebrero 8.