Marian gagawan ng seryeng horror-comedy

Bibigyan ng ibang show si Marian Rivera bago nito gawin ang Amaya dahil nire-request ng mga fans ng aktres na hindi masaya na paminsan-minsan lang siyang napapanood sa Party Pilipinas at every Sunday sa Show Me Da Manny.

Four weeks bida si Marian sa horror-comedy na Ang Spooky Mo Presents: Bampirella sa direction ni Dominic Zapata. Naghihintay na lang ng taping schedule si Popoy Caritativo at sisimulan na ni Marian ang taping ng horror-comedy series na mapapanood daw every Saturday.

Hindi pa namin alam ang time slot ng horror-comedy series at ibang detalye nito, hindi kasi kasama ang show sa mga pina-plug ng GMA 7. Pero malapit na rin simulan ni Marian ang taping ng Amaya na hahawakan ni Direk Mac Alejandre.

* * *

Nasa Bacolod bukas sina Regine Velasquez at Dingdong Dantes, sa Bacolodiat Festival para mag-promote ng I Heart You Pare na mapapanood na simula Feb. 7.

Bukod sa nabanggit na schedule, marami pang promo na gagawin ang cast ng rom-com series, kaya sabi ni Dingdong sa presscon, hin­di na sila tuloy ni Marian na pumunta sa Baguio para dun mag-celebrate ng Valentine’s Day. Sa biyahe pa lang, maraming oras na ang ma­wawala, kaya magha­ha­nap na lang sila ng perfect place to spend Valentine’s Day.

Ipinagmamalaki ni Dingdong ang I Heart You Pare dahil parang pelikula itong kinunan ni Direk Andoy Ranay. Grabe rin ang effort sa pag-iilaw para malinaw panoorin ang rom-com series.

Pinuri ni Dingdong si Marc Abaya na “true artist” sa music at acting at humanga naman siya kay Paolo Ballesteros. Alam nitong dusa ito sa pag-aayos-babae, pati ang grupo nina Tirso Cruz III, pero wala siyang naririnig na reklamo.

* * *

Ire-reformat pala ang PO5 ng TV5, hahatiin sa dalawang portion ang show at ang dinig namin, Funtastic o Fan­tastic na ang bagong title nito. Ang malungkot, may ibang mainstays ng PO5 ang maaalis at binanggit sa amin ang ilang pangalan, pero ayaw naming pangunahan ang istasyon.

Gagawing game show ang first portion ng Sunday show ng TV5 at hosts sina Richard Gomez at Cong. Lucy Torres-Gomez. Musical ang kalahati ng show at younger talents ng istasyon ang ilan sa mga hosts at performers.

Wala raw kinalaman ang pagkawala ni John Estrada sa pagre-reformat ng PO5, talagang naka-schedule na itong i-reformat.

* * *

Lumaki na bang talaga ang ulo ng dalawang young stars at may mga demands na ang kampo nito? Ayaw na nilang makihalubilo sa mga kasama nila sa isang show at sa isang production number na ginawa, pinaalis ang young actress na dapat kasama niya sa production number.

Kung ang dalawang bagets lang ang masusunod, ayaw na nilang gawin ang series na dalawa sila sa mga bida dahil feeling nila, hindi na nila ka-level ang mga kasama. Pati sa isang weekend show kung saan madalas may production number ang grupo nila, kinatatamaran na rin nilang gawin.

Sino kaya ang nagsaksak sa isip ng mga ba­gets na kaya na nila na silang dalawa lang sa bawat gagawing project? Ang layo pa nang lalakbayin nila at marami pa silang bigas na kakainin para sumikat. Sana ma-realize nila at ng mga tao sa kanilang paligid na maaga pa para umasta silang young superstars.

Show comments