^

PSN Showbiz

Dahil sa panlalait noon manager 'di papayag makasama ng alaga ang taklesang aktres sa trabaho

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Kahit parehong Kapuso stars ang dalawang aktres na ito, malabo silang magkasama sa isang project dahil hindi tatanggapin ng manager ng isa sa dalawang aktres, unless magbago ang kanyang isip.

 Hindi makalimutan ng manager ni Actress A ang dialogue ni Actress B nang magkasama sila sa isang project noong pareho palang silang bago sa showbiz. Buong ningning na nag-dialogue si Actress B na kaya nagre-rate ang soap nila dahil sa kanya. Narinig ’yun ng manager ni Actress A at nag-react.

 Taklesa kasi si Actress B, kinalimutang may mga kasama sila ni Actress A na mas sikat sa kanila. Ang nakakaloka, mas sumikat si Actress A kay Actress B, pero tahimik lang si Actress A, ang manager nito ang hindi makalimot sa feeling niya ay pang-aapi sa talent niya. Kaya nag-promise na kung siya ang masusunod, never nang magsasama uli sina Actress A at Actress B sa mga projects.

* * *

Character driven role ang description ni Regine Velasquez sa ginagampanan sa rom-com series ng GMA 7 na I Heart U Pare na pilot na sa Feb. 7. Ma­hi­rap lang gumawa ng mga ganitong klaseng role, pero ’pag nagawa ng tama, fulfilling ang kanyang pakiramdam.

“I play Tonia na real girl at Tonette na nagpapanggap na bading. It’s very challenging for me dahil magkaibang-magkaiba. First kong ginawa ang main character na si Tonia bago ko ginawa ang Tonette character na bading. Sanay na ako and it’s easier for me now to do both characters at enjoy ako,” sabi ng bida sa serye.

Wala siyang peg sa two characters dahil tinutulungan siya ni Direk Andoy Ranay na nakita naming ginagawa muna ang mga eksena bago gawin ni Regine.

Ipinagmalaki rin ni Regine na agad lumabas ang chemistry nila ni Dingdong Dantes at nakakikilig ang mga eksena nila. Anyway, pupunta sina Regine at Dingdong at ibang cast ng I Heart U Pare sa Bacolodian sa Bacolod sa Feb. 4, sa Araw ng Davao sa March 16, at sa Pangasinan, Bangus Festival sa Dagupan sa April 30.

’Katuwa pala ang sagot ni Regine nang tanungin kung anong gender ang gusto niyang maging baby nila ni Ogie Alcasid.

“Kahit ano, kahit tiyanak,” ang sagot nito. Natsika rin nito na nang minsang tanungin si Ogie kung may dream pa ito, nag-isip muna ito ng matagal, “He looked at me for five minutes at sabi, ‘Hon, gusto ko magka-abs.’ Hindi ko na na-share ang dream ko.”

* * *

Sa Feb. 5 na ang first taping day ng Sisid na pagbibidahan ni Jackie Rice to be directed by Maryo J. delos Reyes. Pero hindi na sa Bohol ang taping, gaya ng unang plano, kundi sa Anilao na na mas malapit.

Sina JC Tiuseco, Dominic Roco, at Ian Batherson ang mga leading men ni Jackie sa soap na tungkol pala sa pearl diver at hindi tungkol sa mga sirena. Ang Sisid ang papalit sa Koreana.

Samantala, si Joel Lamangan na ang direktor ng Magic Palayok na Feb. 7 naman sisimulan ang taping. Si Joel na ang director dahil nagpalit sila ni Gil Tejada na ang Nita Negrita naman ang ididirek.

* * *

Walang big party si Marvin Agustin sa birthday nito noong Jan. 29 dahil ang pang-party ay inipon na lang niya para sa tuition fee ng kambal na maggi-grade one sa expensive Everest International Catholic School. Hindi na nito binanggit kung magkano ang tuition fee ng mga anak, basta mahal ang sabi.

Ang kagustuhang makapag-aral sa magandang school ang mga anak ang isa sa mga rason kung bakit walang kapaguran sa trabaho si Marvin. Kahit may mga restos na, patuloy pa rin siyang umaarte at naghahanap na nga ng kasunod na soap dahil hanggang this week na lang ang Beauty Queen.

Hindi malilimutan ni Marvin ang Beauty Queen dahil first time siyang nakagalitan ni Direk Joel at nangyari ito kasi hindi niya maibigay ang intensity na hinihingi sa eksena.

“Nahiya ako kay Direk Joel, pero ’di ko talaga magawa ang gusto niya. Na-feel kong I was failing him. Bumaba siya ng van at sa harap ng lahat, kinagalitan ako. Huminga ako ng malalim at ginawa ang eksena, na-redeem ang kapalpakan ko dahil sabi ng tao sa set, first time rin pumalakpak ni Direk Joel. Masaya ako after that,” sabi ni Marvin.

vuukle comment

ACTRESS

ACTRESS A

ACTRESS B

BEAUTY QUEEN

DAHIL

DIREK JOEL

FEB

I HEART U PARE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with