^

PSN Showbiz

Magiging Kapuso na? Sid Lucero ipapareha kay Marian

- TALONG ANONYMOUS -

RUE : Kinumpirma ni Krista Ranillo sa Startalk na baby boy ang ipinagbubuntis nito at nakatakda na niyang iluwal sa April 3.

Napagkasunduan na rin nila ng asawa niyang Jr. nila ang kanilang baby kaya ang pangalan nito ay Jefferson Nino Lim, Jr.

Excited si Krista sa nalalapit niyang panganganak dahil gusto niyang personal na alagaan ito kaya hindi pa niya masasabi kung kailan ang uwi nila ng Pilipinas para ituloy ang balak nilang pagpapakasal sa simbahan.

TANONG : Sobrang apektado si Jennylyn Mercado sa pagka-acquit ng dati niyang PA na si Mel Pulmano na kinasuhan nito ng qualified theft?

Kaya ayaw pa munang magsalita ni Jennylyn dahil nag-aalala na nga ito sa sakit niya, nakadagdag pa itong pagkatalo niya sa kaso.

Pero hindi pa rin pala nakalabas ng kulungan si Mel dahil sa may pending pang kaso ito na isinampa naman ni Becky Aguila.

Abangan na lang sa Startalk ang pagsasalita ni Jennylyn tungkol sa desisyong iyon at kung ano na ang tunay na kalagayan ng kanyang kalusugan.

TOTOO KAYANG ang tinutukoy na Kapamilya talent na malapit nang maging Kapuso ay si Sid Lucero?

Ang latest na narinig namin, si Sid ang isa sa makakatambal ni Marian Rivera sa nalalapit nitong serye sa GMA Telebabad na Amaya.

TSIKA LANG : Hindi naman napapagod si Kyla sa kasasagot sa patuloy pa ring nagtatanong kung kailan na ang kasal nila ni Rich Alvarez.

“Siyempre napag-uusapan na namin ngayon pero huwag po kayong mag-alala, hindi naman po namin itatago eh. Sasabihin naman namin sa inyo,” sagot ng Princess of R&B.

Hindi pa rin naman sila engaged pero malapit na, ang dagdag pa ni Kyla. Kung sila ang masusunod, mas gusto sana nilang very private at simple lang ang kanilang kasal na mga malalapit na pamilya at kaibigan lang ang dadalo.

Nakahanda naman siyang maging Mrs. Alvarez kapag dumating ang araw na yayain na siya ni Rich na magpakasal.

Sa Feb. 11 ay magkakaroon ng Valentine concert si Kyla kasama si Jay-R na gaganapin sa The Establishment.

Ito ang nag-hit na Soulmates concert nila noon, pero this time love songs ang kanilang repertoire na bagay na bagay sa okasyon.

’Yun na rin ang Valentine date nila ni Rich at ganun na rin sina Jay-R at Krista Kleiner.

vuukle comment

BECKY AGUILA

JAY-R

JEFFERSON NINO LIM

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

KRISTA KLEINER

KRISTA RANILLO

KYLA

MARIAN RIVERA

MEL PULMANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with