Alice gulat na gulat na naging bading si Rustom Padilla
Nakakuwentuhan namin si Alice Dixson sa press launch ng Ang Babaeng Hampaslupa at maganda pa rin siya. Inamin nito na nakasama niya sa pelikula noon si Rustom Padilla at crush niya ito. Kaya nang malamang nagladlad na at isa nang mujer ay nagulat ito at ’di niya akalain na magagawa ito ng aktor.
Inamin ni Alice na kinakabahan siya dahil ngayon lang uli haharap sa camera after six years nang paninirahan sa Canada.
First time nitong makatrabaho si Susan Roces at director na si Eric Quizon at Joyce Bernal kaya excited na siya.
Tinanong din namin si Alice kung paano ba makatrabaho si Alex Gonzaga na binansagang drama princess at gaganap bilang Grace.
‘‘Magaling siyang umarte at nailalarawan ang tamang emosyon sa bawat eksena namin,’’ sabi ng magandang aktres.
Tinanong din naming ang mabait na mommy ni Alex na si Pinty kung ano ang masasabi sa napakalaking break at challenge na naibigay sa anak ng TV5.
‘‘Noong unang ialok ito, hesistant siya gayundin kami dahil baka hindi niya makaya ang drama. Sanay kasi siya sa comedy at pagiging TV host. Pero later tinanggap ni Alex at sinabing malaking hamon ito sa kanyang career. Nag-workshop siya for one month at ngayon ay makikipagsabayan sa magagaling na artista gaya ni Ms. Susan Roces at iba pa,’’ paliwanag ni Mommy Pinty.
- Latest