Charie Villa, itinalagang news head ng RNG

MANILA, Philippines –  Handa na ang beteranong broad­­cast journalist at news executive na si Charie Villa upang mas palawakin pa ang regional news sa bansa, matapos ang kanyang pag­­kakatalaga bilang News Head ng ABS-CBN Regional Net­work Group (RNG).

Gagamitin ni Villa, ang dating Head ng ABS-CBN News gathering at Online and Mobile Group, ang kanyang karanasan sa pagbabalita at makabagong mga ideya upang patibayin pa ang news organization ng RNG. Plano niyang gamitin ang social media tulad ng In­ternet upang mapalawig ang abot ng RNG.

Ayon sa dating Reuters Manila Bureau Chief, bahagi ng kanyang agenda ang pagsusulong sa pagkakaroon ng hyperlocal content, o mga balitang nakatuon sa mga pangangailangan ng isang partikular na komunidad o rehiyon, ng lahat ng 19 na lokal na edisyon ng TV Patrol sa buong bansa.

Kaugnay nito, magsasanay ang RNG ng citizen journalists sa bawat lugar upang makapagbahagi sila ng report hindi lang para sa telebisyon ngunit para rin sa ginagawang websites ng RNG para sa iba’t ibang TV Patrol.

“Mas kikilalanin pa ng RNG News ang mga rehiyon sa bawat pamayanan doon upang makuha ang tunay na estado ng mga Pilipino roon. Kasabay nito, palalawakin din namin ang aming pagbabalita sa pamamagitan ng Internet upang maserbisyuhan din ang mga OFW at iba pang Pilipino sa ibang parte ng mundo,” paliwanag niya.

Ang mga mirror websites na ito raw ang maituturing na tagpuan o tambayan ng mga miyembro ng iba’t ibang regional group. Bukod sa balita, maaari rin daw makita rito ang listahan ng mga residente at establisyamento sa kanilang bayan, at iba pang impormasyon tulad ng mga puwedeng inegosyo roon at ang mga bagong pasyalan.

Isa pang dapat abangan mula sa RNG News ang bagong segment na tinatawag na Bidaka.com, na ume­ere na sa lahat ng regional na TV Patrol. Sabi ni Villa, layunin nito ang pag-ibayuhin pa ang pagmamahal ng mga tao sa kanilang re­hiyon sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga lokal na per­sonalidad na mayroong magandang ambag sa lipunan at nagsilbing inspirasyon sa kanyang mga kababayan.

 Ayon kay Jerry Bennett, ang ABS-CBN Regional Network Group Head, naniniwala siyang itataas pa ni Villa ang standards ng RNG News, katulad ng kanyang nagawa na para sa ABS CBN News at sa www.abs-cbnnews.com  

“Ang pagtatalaga kay Charie bilang Head ng RNG News ay ang paraan ng network upang lalo pang palakasin ang regional news. Kahit ABS-CBN na ang pinakamalaking news organization sa bansa, hindi kami titigil sa pagpursige na magdala ng mas kalidad na serbisyo sa mga Pilipino sa buong mundo,” aniya. 

Mga lihim ng pamilya Rizal

Bawat pamilya, may sikreto, maging ang pamosong angkan ng mga Rizal sa Calamba - isa sa pinakamahalagang pamilya sa kasaysayan ng bansa.

Noong 1896, bago siya namatay, isinulat ni Jose Rizal ang kanyang family tree. Pero kulang ang mga sanga nito - mga sangang magdurugtong sa kasaysayan ng kaniyang inang si Teodora Alonzo. Ano kaya ang kanyang itinago?

Sisiyasatin ni I-Witness host Howie Severino at ng kanyang team ang pinagmulan ni Teodora Alonzo sa Biñan, Laguna kung saan makikitang nakatayo pa ang ancestral home ng pamilya. May mga nangangambang mabubuwag na ang bahay bago pa man malaman ang tunay na papel nito sa kasaysayan.

Show comments