Ang Umagang Kay Ganda ang first regular show ni Venus Raj sa ABS-CBN at isa siya sa bagong host ng morning show. Nadinig naming papasok na rin si Ted Failon at Iya Villania sa show at kasama pa rin sina Pinky Webb, Phoemela Barranda, at Anthony Taberna.
May babalik ding host at true kayang maaalis sina Donita Rose, Rica Peralejo, at Ginger Cornejo? Kung papasok nga si Iya sa UKG, makakatapat niya ang BF niyang si Drew Arellano na host naman ng Unang Hirit ng GMA7.
Bing Loyzaga ayaw nang pag-usapan si Janno
“I love being kontrabida,” sagot ni Bing Loyzaga nang tanungin namin sa role niyang si Katarina sa Babaeng Hampaslupa na mang-aapi kina Alice Dixson at Alex Gonzaga. Enjoy siya sa role niya dahil iba’t ibang karakter ang kanyang ilalabas at excited dahil halos lahat ng kasama sa dramaserye pati si direk Eric Quizon ay ngayon lang niya makakatrabaho.
Masaya siyang mapasama sa cast ng magagaling na artista at kamukha pa raw ng anak niyang si Alyssa si Karel Marquez na gaganap na kanyang anak. Makakaasa ang ina nitong si Pinky Marquez na aalagaan ang anak.
Inalam namin kay Bing kung totoong may plano silang mag-anak na mag-migrate sa Australia at nagulat ito sa mga nasulat. Australian resident daw siya, her parents are Australian citizen at dual ang citizenship ng mga anak niya, kaya normal lang na magpabalik-balik sila sa Australia. May bahay sila sa Australia, pero ayaw pa niyang mag-settle roon.
Kumusta sila ni Janno?
“We’re friends at kapitbahay ko siya. Basta ginagawa namin ang responsibilities namin as parents to our girls.”
Totoo bang inatake ng depression si Janno?
“I don’t wanna touch that issue. Basta, when somebody is down, you run to friends. ‘Wag na lang natin pag-usapan ‘yan, okey ako, okey kami. Basta happy ako na happy ang mga anak ko at may project ako,” wika ni Bing.
Sa February 7, ang pilot ng Babaeng Hampaslupa after Willing Willie at pumayag na si Willie Revillame na iklian ang show niya para maagang pumasok ang first dramaserye ng TV5.
Dingdong nahirapang batukan si Regine
Ang yellow Corvette sportscar ang gamit ni Dingdong Dantes sa taping ng I Heart U Pare, kaya ayun, ginawang background ng press at ilang fans sa picture taking na ikinatawa ng actor. Ang gara ng sasakyan at walang kukuwestiyon kung paano niya nabili ‘yun dahil masipag magtrabaho ang actor.
Nabanggit ni Dingdong na nailang siyang batuk-batukan si Regine Velasquez at kahit ilang minutes siyang nag-internalize, hirap pa rin siya. Umabot tuloy ng eight takes ang eksena bago na-perfect ni direk Andoy Ranay.
“Bilang co-star, walang kahirap-hirap katrabaho si Regine, walang adjustment at swak agad kami dahil nakakatrabaho ko na siya. I also trust her capabilities at ang husay sa comedy. ‘Dun lang ako nahirapan sa babatukan ko siya.”
Ginagampanan ni Dingdong ang role ni Kenneth at para maiba, nagpatubo siya ng balbas at goatee at nag-diet, kaya ang lean nito ngayon. Ang challenge sa kanya ay kung paano ipapakitang in-love siya sa inakalang bading na si Tonette (Regine).
Sa February 7 na ang premiere ng I Heart U Pare.
Samantala, wala pang konkretong plano si Dingdong kung paano nila isi-celebrate ni Marian Rivera ang Valentine’s Day. Kung matutuloy, balak nilang umakyat ng Baguio sa February 12 o Feb. 13, special daw ang lugar na ‘yun sa kanila at gusto niyang binabalikan.
Sen. Bong magsisimula nang mag-shooting ng pang-MMFF
Nakita namin si Senator Bong Revilla sa lobby ng GMA Network para mag-dubbing ng kanyang Kap’s Amazing Stories. Ibinalita nitong next week na siya magsisimulang mag-shooting ng Panday 2, ang entry niya sa 2011 Metro Manila Film Festival. Kailangan daw simulan agad ang shooting dahil madugo ang special effects ng movie.
Inalam namin kay Sen. Bong kung may leading lady niya sa Panday 2 at ang sagot ay “pinag-uusapan” at “inaayos pa.”
May napili na raw itong makakapareha niya, pero hindi pa yata niya nakakausap ng personal. Hindi muna namin binanggit ang name ng aktres at ayaw naming pangunahan si Sen. Bong.
Kung papayag ang aktres, first movie nila ito together ni Sen. Bong at sa tambalan palang nila, maku-curious na ang tao.