Aktres na wala pang asawa losyang na ang hitsura
MANILA, Philippines – Mukhang losyang na raw ang isang aktres ngayon. Losyang as in muntik na raw hindi makilala ng source nang makita niya sa isang pasyalang lugar.
Ang suot daw nito : parang duster lang na tinupi ang kamay at wala sa hitsura na pupunta sa mataong lugar.
Kilalang dating glamorosa pero may pagka-weird ang actress na ito. Pero nawala sa eksena. Nawalan din ng career. At ngayon nga raw ay mukhang losyang na samantalang wala pa siyang asawa.
Clue : Ask n’yo sa bird kung sino.
Richard pitong araw nagtrabaho ng dire-diretso
Malapit na ang Pebrero 9. Patutunayan na ni Richard Gutierrez ang pagiging Valentine Box-office King sa pelikulang My Valentine Girls ng GMA Films at Regal Entertainment kasama sina Rhian Ramos, Lovi Poe, Solenn Heussaff at hold your breath – Eugene Domingo.
Soulmates ang episode ni Richard kasama si Rhian; BBFF naman ang sa kanila nina Lovi at Solenn; at Gunaw ang episode nila ng premyadong aktres na si Eugene.
Kaya naman paspasan ang trabaho ni Richard dahil one versus four ang drama niya.
“Pero wala kaming narinig na reklamo kay Richard. Kahit umagahin sa shooting at seven straight days ang trabaho, sige pa rin siya. Ganoon siya ka-dedicated sa trabaho. Very professional pa!” deklara ni Mother Lily Monteverde sa kasipagan ng aktor.
No wonder, wala ring reklamo sa budget ang producers ng movie kontra sa mga tsismis na kesyo nag-complain si Mother Lily. Ibinigay daw niya rito ang lahat lalo na sa mga eksenang kinailangan ng dolphins sa episode nina Chard at Solenn, pati na special effects sa Soulmates at ang production design sa Gunaw.
Eh, sobrang inspired din ni Richard habang ginagawa ang movie. Lalo na sa mga romantic scenes niya with Rhian, ang landian niya with Lovi at Solenn at ang hindi trying hard na lambigan nila ni Eugene.
rafael walang natutuhan kay Cristine?
Last two weeks na lang ang Kristine ng ABS-CBN.
Ano naman kaya ang nararamdaman dito ng ilang bida like Rafael Rossell?
“There had been a lot of hand-to-mouth kasi hinahabol ang schedules ng taping sa airing, pero it’s worth it because people appreciate the show. Tulad ng ibang programang malapit nang magtapos, patindi nang patindi ang samahan. That’s why I’m expecting a tough time at the victory party, going-away party, thanks giving party-whatever you call it,” sabi ng sexy actor.
“Super bonding kami sa set. We’re jelling together more now that the last day is getting closer. Sigurado ako na malulungkot ako sa last day,” dagdag ng aktor na unang naka-partner ni Denise Laurel sa programa na sabi noon ng manager ay babalik at kasama lang sa script ang pagkawala niya sa nasabing serye pero bakit hindi naman yata nakabalik si Denise.
Wait may natutuhan naman kaya si Rafael habang ginagawa niya ang serye?
“Na-appreciate ko ‘yung ‘Pinas, ‘yung mga attraction sa ‘Pinas, like Tagaytay sa Batangas. Mas na-involve ako sa pagiging lover ng Mother Nature, sa organic. Nagkaroon ako ng interest sa trekking. Kay Ms. Angel (Jacob), get in touch with the spiritual side. Kay Tita Carla (Martinez), ‘yung Gospel, God and the Bible.
“Sa ibang cast member, friendship and bonding.”
May natutuhan naman kaya siya sa mga naka-trabaho niya like Zanjoe Marudo?
“Natuwa ako sa pagka-relax attitude. Mas kilala ko bilang tunay na tao. How he handles the situation.”
Kay Iya Villania?
“Australia, andami niyang itinuro. Dapat dun nga ako...sa beach nila, by the city. Puwedeng mag-surfing sa umaga, puwedeng magtrabaho sa hapon. Shops close at 6:00 pm. I think that’s the place for me to live in.”
Teka bakit kaya hindi tinanong si Rafael kung may natutuhan siya kay Cristine Reyes?
Hmmm.
- Latest