Lara Quigaman hindi kayang awayin ni Marco
Kamakailan ay napabalitang nagpakasal na raw sa ibang bansa ang beauty queen-actress na si Precious Lara Quigaman kay Marco Alcaraz na almost two years na niyang boyfriend.
Sa Canada kasi nag-Christmas at New Year ang dalawa kaya may lumabas na isyung nagpakasal na ang dalawa roon. Inamin ni Lara na engaged pa lamang daw sila ni Marco at May or October next year pa ang pina-plano nilang beach wedding.
Ibinigay daw ni Marco ang engagement ring bago pa sila pumunta sa Canada last December. Proud na proud si Lara sa kanyang diamond ring. Bigay daw sa kanya iyon ng kanyang pinakamamahal. “Alam niya talaga gusto ko katulad kay Sarah Jessica Parker sa Sex In The City. Gusto ko ng black diamond so I think pinagaya niya pero definitely hindi kasing laki ng carat nun,” kuwento ni Lara.
Paano kaya ang naging proposal ni Marco kay Lara? “Hindi siya nagpadala ng helicopter at nagpahulog ng marry me. Hindi rin siya sa isang fancy restaurant. Ang pagde-decide namin na magpakasal was mutual.
“Tinatanong niya ako very casually ng walang ring tapos habang tumatagal nag-decide kami. When we were in Canada na nandoon din family niya, parang nagkaroon lang kami ng formal na proposal in front of them, pamamanhikan,” dagdag pa ng beauty queen.
Masayang-masaya rin daw ang aktres na si Marco ang kanyang makakatuluyan. “Alam n’yo mas masuwerte ako. Akala n’yo masuwerte siya pero si Marco kasi para siyang papa ko na kahit anong away ko sa kanya ay ‘di ako pinapatulan. Siya pa ang naglalambing, siya pa ang nagso-sorry and para sa babae yun ang hinahanap namin na kami yung alagaan, na kami yung lambingin,” pagtatapos pa ng aktres.
Piolo at Charlene highlight ng selebrasyon ng UST
Noong Huwebes ng gabi ay isang engrandeng selebrasyon ang ginanap sa U.S.T. (University of Santo Tomas) para sa kanilang 400th year.
Ang naging highlight ng programa ay ang unveiling ng glass and bronze sculpture na ginawa ni Ramon Orlina na isang world-renowned Thomasian sculptor. Present sa celebration ang mga UST alumni na sina Piolo Pascual at Charlene Gonzalez-Muhlach.
Kabilang din ang dalawa sa naging modelo para sa ginawang 10-meter high monument ng kanilang alma mater bilang tribute sa kanilang mga achievements sa industriya. Overwhelmed sina Charlene at Piolo sa muli nilang pagbabalik sa kanilang school. “UST has always been an integral part sa buhay ko, yung mga memories and moments that I experienced in UST, dadalhin ko ‘yan habang-buhay. What a wonderful homecoming,” emosyonal na pahayag ni Charlene.
“UST changed my life, because of UST ay nakapasok ako sa ABS-CBN because my friends from Teatro Tomasino made a way for me to enter showbiz. If not for UST hindi rin siguro ako magiging artista,” seryosong pahayag naman ni Piolo.
Kasama ring dumalo ni Charlene ang kanilang kambal na anak ni Aga Muhlach na sina Andres at Atasha sa nasabing event.
Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest