^

PSN Showbiz

Mga gamit na naiwan ni Mariel ayaw galawin ng kanyang lola

- Veronica R. Samio -

Bukod sa mga balitang nag-uugnay sa kanya sa dating boyfriend ni Candy Pangilinan na itinanggi naman ni Aiai delas Alas at sinasabing walang kato­to­hanan, laman din ng balita ang tinatawag na Comedy Concert Queen at tinanghal na Best Actress sa napakakontrobersyal na MMFF Awards Night, dahil sa pang-iisnab niya sa imbitasyon ni Kris Aquino to join her and some other girlfriends para sa isang pamamasyal sa Bali, Indonesia.

“Grabe naman! Hindi ko siya inisnab. Gustung-gusto ko ngang sumama pero nagkataon lang na mayroon akong trabaho na hindi ko maiiwan. Bakit ko naman isnabin si friendship?” ask ng komedyante na isa rin sa mga top Kapamilya artists na napapa­balita noon na may planong lumipat ng network.

* * *

Ang suwerte-suwerte naman ni Charlene Gonzales dahil isa siya sa apat na Tomasian na ginawan ng rebulto ng iskultor na si Ramon Orlina at kabilang sa Quadricentennial Monument na tatawaging QuattroMondial at matatagpuan sa Quadricentennial Park ng pamantasan.

Si Charlene at ang aktor na si Piolo Pascual ang dalawa sa apat na rebulto.

Parehong naging mag-aaral ng UST ang dalawang artista.

Si Piolo ay nakabilang sa College of Arts and Letters at naging aktibo sa Teatro Tomasino.

Isang katangi-tanging mag-aaral din ng UST si Charlene na nakatapos ng kursong BS Biology at naging miyembro ng college volleyball varsity team.

Isang katangi-tangi itong pagkilala sa dalawang aktor na kahit iwan man ngayon ang industriya ng local entertainment ay meron nang maiiwang isang napakagandang tagapagpaalala ng kanilang naging magandang buhay bilang mag-aaral at bahagi ng sining.

* * *

Nakausap namin si May Villarica, ang lola ni Mariel Rodriguez na dati naming kaiskwela nung high school sa UE (nakaiskuwela rin namin ang tatay ni Aga Muhlach na si Cheng Muhlach) at nalaman ko sa kanya na hindi pa pala buntis ang kanyang apo na sa kanya lumaki, kasama ang kapatid nitong isa ring babae.

Lubha raw abala si Mariel sa pagiging misis ni Robin Padilla kaya hindi pa magawang magbuntis.

Kasa-kasama rin ito ni Robin sa pagi-edit ng kanilang pelikulang ginawa sa India ang Tum My Pledge of Love na malapit nang mapanood sa mga sinehan.

Inimbitahan kami ni May sa premiere night ng pelikula at sinabi ko na dadalo ako kapag naimbitahan ako.

Sinabi niya na puwede kaming makisabay sa kanya ng common friend naming si Virgie Balatico, if ever. Nangako naman ako manonood kasama sila, kung libre ako.

Hindi pa rin ginagalaw ni May ang kuwarto ni Mariel. Ganun pa rin ang ayos nito mula nang iwan ito ng apo niya at sumama sa asawa nito. Wala ni isa mang gamit siyang ginagalaw. Hinihintay niya si Mariel mismo ang gumawa nito.

AGA MUHLACH

AWARDS NIGHT

BEST ACTRESS

CANDY PANGILINAN

CHARLENE GONZALES

CHENG MUHLACH

COLLEGE OF ARTS AND LETTERS

COMEDY CONCERT QUEEN

ISANG

MARIEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with