Carnap King ng Bulacan, kikilalanin ni Ted Failon

MANILA, Philippines - Kamakailan ay usap-usapin ang pagsuko ng tinaguriang Carnap King ng Bulacan na si Raymond Dominguez alias Benigno Victorino sa pulisya. Ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami, gaano nga ba talaga kakilabot ang binata pagdating sa nakawan ng sasakyan?

Kikilalanin ni Ted Failon si Raymond ngayong Sabado (Jan 29) sa Failon Ngayon at ibubunyag ang katotohanan sa likod ng pagkatao nito.

Sa kanyang edad na 26, 31 iba’t ibang kaso na ang nakasampa sa kanya simula pa noong 2007 kabilang ang mga kaso ng carnapping, paggamit ng droga, karahasan, at homicide.

Ano kaya ang nararamdaman ng kanyang pamilya hinggil dito? Sinu-sino na kaya ang kanyang mga nabiktima at saan na napunta ang mga kotseng nadale niya?

Tunghayan ang buong kuwento sa Failon Ngayon ngayong Sabado.

Show comments