'Something' nila ni Aljur itinanggi ni Ara Mina
Sa solo presscon niya para sa My Valentine Girls, nabanggit ni Richard Gutierrez na umaasa siyang makakagawa pa ng isang pelikula this year. Isang action-fantasy daw ang pinaplanong gawin at wala nang sinabi ang actor.
Ang RAN kaya ang tinutukoy ni Richard na last year pa namin naririnig at balak daw isali ng GMA Films in this year’s MMFF at si Rico Gutierrez ang director. In fact, last year pa ito pinaghahandaan ng director at live action daw ito dahil mula sa computer ay gagawing pelikula.
Wish din ni Richard na muling makagawa ng Valentine movie next year at may naisip na silang konsepto na magugustuhan din ng moviegoers. Pero sa ngayon, sa My Valentine Girls muna ang concentration ng actor dahil sa February 9 ang showing nito at Feb. 7 naman ang premiere night.
* * *
Nag-react ang kampo ni Nadine Samonte sa nasulat naming cast ng Magic Palayok dahil kasama raw sa cast ang aktres at siya ang ka-love triangle nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann. Matagal na ring hindi napapanood sa TV ang dalaga’t ang Endless Love ang last soap nito.
Naurong sa Februay 7, ang first taping day ng fantaserye na papalit sa Bantatay at ngayong Biyernes ang storycon and after the storycon pa lang malalaman ang buong cast, pero si Gil Tejada ang director nito.
Kasama rin daw si Claudine Barretto sa cast ng Magic Palayok, hindi nga lang alam ng source namin ang role ng aktres. Isa sa magiging rason kung bakit tatanggapin nito ang fantaserye’y dahil pambata ito.
* * *
Sa Twitter sinagot ni Ara Mina ang tsismis sa kanila ni Aljur Abrenica at nakatutuwang follower pa nito ang nagtanong. Tanong ng follower ng actress kung aware itong nagkaroon daw sila ng ‘something’ ng young actor?
Sinagot ni Ara ang tanong in all caps at sabI’y “OO NGA RAW AT NATAWA AKO SA CHISMIS. Sinundan ng ‘Di ko nga alam, sabi nila ako e bakit ako? Kakatawa lang dapat noon pa kami na-link nung may show kami together. Smile na lang ako.”
In fairness kay Aljur, hindi nito kinumpirmang si Ara nga ang tinutukoy niyang older actress na nakarelasyon nang ma-interview para sa labas ng February issue ng Men’s Health Philippines na siya ang cover.
Puro “sa akin na lang ‘yun at ayokong magsalita” ang sagot sa pangungulit ng press. Pero minahal daw niya ang aktres na akala’y si Ara dahil nagkasama sila sa soap na Dapat Ka Bang Mahalin at nagkaroon ng matinding love scene.
Ngayong nag-deny na si Ara, hahanapin uli ng press ang older actress na binanggit ni Aljur sa interview ni Ricky Lo.
* * *
Noon pa tini-tweet ni Richard Gomez na ibabalik niya ang Goma Cup, pero wala siyang binabanggit na date at kung saan gagawin ang Goma Cup. Mabuti na lang at nakausap namin si Marilen Nuñez na nasa likod ng Mariko Tokyo Skin & Body Centre na purong Japanese product ang gagamitin.
Sabi ni Marilen, sa Ormoc City gagawin ang Goma Cup, pero hindi na sa summer dahil tuyo ang grass sa golf course dun, sa November ang pagbabalik ng Goma Cup na ilang taon ding natigil.
Anyway, ang Reyes Haircutters pala ang peg ng Mariko Tokyo Skin & Body Centre, kaya mura rin ang lahat ng services at proseso nang pagpapaganda. Imagine, ang Triple-C Gluta Facial with Vacuum & Laser ay P99 lang.
Nasa ground floor ng Richbelt Tower sa Annapolis, San Juan; G/F, El Jardin Presidente, Sgt. Esguerra sa Quezon City; G/F, Mandaluyong Circle sa Mandaluyong City; G/F, Holiday Plaza, Arnaiz St., at G/F, LPL Manor, L.P. sa Leviste St., Salcedo Village sa Makati City ang branches ng Mariko.
- Latest