Kahapon ang taping at pictorial namin sa Tweetbiz kaya dalawang presscon ang hindi ko napuntahan, ang presscon ng Veet para kay Daniel Matsunaga at ang birthday presscon ng GMA Artist Center para kay Kylie Padilla.
Effective ang campaign strategy ng Veet dahil pinag-usapan ang elevator scandal ni Daniel na kumalat sa Internet.
Hindi naman pala scandal ang elevator video dahil promo ito ng Win-A-Dream Date with Daniel.
Na-disappoint ang mga nag-hope na hihiwalayan na ni Heart Evangelista si Daniel dahil sa babae na kasama nito sa loob ng elevator. Gimmick lamang pala ang eksena dahil promo video ito ng pakulo ng Veet, ang produkto na pang-alis ng buhok sa katawan.
Aral sa lahat ang nangyari. Huwag agad paniniwalaan, papatulan o gagawan ng isyu ang mga video na inyong mapapanood sa Internet dahil baka kayo ang maisahan at mapahamak.
Super-explain si Daniel sa mga reporter na nakausap niya sa presscon ng Veet. Alam daw ni Heart nang i-shoot niya ang video at nagpaalam din siya sa mga magulang ng kanyang girlfriend.
Ito ang explanation kaya hindi naapektuhan si Heart nang kumalat sa Internet ang elevator scandal video.
* * *
Eighteen years old na si Kylie Padilla noong Martes pero wala pa siyang balak na magkaroon ng boyfriend dahil naka-focus sa career niya ang kanyang atensiyon.
I’m sure, may lesson na natutunan si Kylie sa hiwalayan portion ng kanyang mga magulang kaya ayaw muna niya na makipag-boyfriend sa murang edad.
Tama ang desisyon ng bagets dahil malayo pa ang kanyang mararating. Makakapaghintay ang lovelife. Mas importante na unahin ni Kylie ang kanyang career at pilitin niya na makatapos ng pag-aaral.
Dalawa ang regular show ni Kylie sa GMA 7, ang Dwarfina at Tween Hearts. Kung marunong si Kylie na humawak ng pera, siguradong makakaipon siya ng datung mula sa kanyang talent fee at mabibili niya ang lahat ng gusto. Huwag niyang gayahin ang ibang youngstars na one day millionaire at hindi sineseryoso ang pag-aartista.
* * *
Maraming kuwento si Annabelle Rama tungkol sa kanyang lovelife nang magkita kami sa merienda treat ni Shirley Pizarro sa Bellissimo.
Nakakaloka ang mga kuwento ni Bisaya tungkol sa lovelife nila ni Eddie Gutierrez at sa lovelife ng kanilang anak na si Richard.
May bilin si Bisaya na off-the record ang kanyang mga juicy story kaya hindi ko puwedeng i-share sa inyo. Basta ang masasabi ko, obsessed pa rin si Annabelle kay Eddie kahit may mga apo na sila.
Mahirap mapantayan ng ibang babae ang sobra-sobrang pagmamahal ni Annabelle sa kanyang asawa pero na-prove niya na may magandang kapalit ang pagiging matiyaga.
* * *
Shocked ang mga sumisilip sa Facebook account ni Rachel Donaire dahil sumasagot at inaaway rin niya ang fans na nagkokomento tungkol sa away nila ng mga magulang ng kanyang dyowa.
‘Yan ang mahirap sa mga Facebook at Twitter account. Puwede kang awayin at alipustain ng mga tao na hindi mo kilala.
Dahil pinapatulan ni Rachel ang mga negative comment, lalo siyang nakakatikim ng mga panglalait as in personal ang mga tira sa kanya. Baka nga true ang mga balita na type ni Rachel na pumasok sa showbiz kaya sinasanay na niya ang sarili sa mga intriga at eskandalo?