MANILA, Philippines - Maganda ang naging panimula ng pinakabagong fantaserye ng Kapuso Network na Dwarfina matapos itong manguna sa primetime, ayon sa Nielsen TV Audience Measurement.
Number 1 sa over-all ratings chart ng Mega Manila at Total Urban Luzon mula January 1 hanggang 14 (overnight ratings data) ang programang pinagbibidahan nina Heart Evangelista at Dennis Trillo.
Nakakuha ang pilot episode ng Dwarfina ng 15.4 percent sa people ratings ng Mega Manila, sapat para talunin ang iba pang mga programa sa primetime.
Mapapanood ang makulay na pakikipagsapalaran ni Dwarfina mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.