Ruffa naloka sa tawag ni Shaina

Kung kailan naman nasa bansa ang chairman at CEO ng Miss World Limited na si Julia Morley para sa exclusive licensee agreement ng Ms. World Philippines, saka naman may naganap na pagpasabog sa isang bus sa mismong lugar, sa Makati, kung saan ginaganap ang seremonya sa pagitan nina Morley at ni Cory Quirino sa Shangri-La Makati noong isang araw.

First time pa naman yatang bumisita ng bansa ni Mrs. Morley nataon pa na may pinasabog na bomba sa isang pampasaherong bus kung saan as of yesterday, lima na ang namatay.

Kasama pa naman ni Mrs. Morley ang reigning Miss World na si Alexandria Mills ng USA at first runner-up nilang si Emma Wareus from Botswana sa bansa. Ang nasabing awarding ng license ang naging highlight ng kanilang world tour. 

Ang Miss World ay nagsi-celebrate ng kanilang 60thth year ng ‘Beauty with a Purpose’ at nakapag-raised na ng more than US$400 million bilang suporta sa children’s charities sa buong mundo.

“We are entering into a new paradigm of pageants, in keeping with our mission and values,” ayon sa statement ng wellness guru na si Cory Quirino, kung saan bilang chairman ng World for All Foundation ay isinama na ang PGH Medical Foundation at Tuloy Street Children Foundation bilang major beneficiaries at kasama na sa pirmahan ng agreement the other day ang chairmen ng dalawang nabanggit na foundation na sina Dr. Greg Alvior at Fr. Rocky Evangelista.

Less than 48-hours lang ang itinagal dito ng opisyal ng Ms. World kung saan kasama nila ang Events Director ng Miss World na si Stephen Douglas at Consultant to Ms. World-Asia Paul Lee kung saan nagkaroon din sila ng trip sa PGH, Tuloy Street Children’s Foundation at Ospital ng Makati na pinagdalhan ng maraming iba pang biktima sa pinasabog na bus.

I-wish natin na hindi na-trauma ang mga taga-Miss World sa nakakalokang nangyari sa ating bansa habang nandito sila.

* * *

Uy mukhang magtatagal pa ang issue kina John Lloyd Cruz, Ruffa Gutierrez at Shaina Magdayao ngayong inamin ni Ruffa na tumawag nga sa kanya ng madaling araw ang young actress na karelasyon ng kanyang ex lalo na’t walang masyadong balita sa showbiz ngayon.

Nauna nang lumabas ang tungkol dito kahapon at mismong si Ruffa na ang nagsabi ng half asleep siya ng hatinggabi kaya hindi siya makapagsalita nang tumawag ang Kapamilya actress. “Realllyyy?? Who said?? Yes she called but I was half asleep next to my girls (hellow it was 2am!) so I couldn’t talk. Simply told her that if she had a problem... to go ask JL not me. That’s all I’m gonna. Pasensiya na. Kaloka,” sabi ni Ruffa sa programang Tweetbiz sa text message sa isa sa mga host ng programa na si Tim Yap.

Bakit nga kaya naisipang tawagan ni Shaina si Ruffa? I’m sure selos to death siya sa actress-TV host na parati namang may kasamang Brazilian hunk na ayon sa isang source ay mayaman in fairness.

By the way, dumating nga raw pala si Ruffa sa event ng Miss World at would you believe, na mas dinumog pa raw ito ng mga tao sa venue?

Show comments