Gerald wala nang pakialam kahit magpa-sexy na si Kim
Kamakailan ay may nakakita raw kina Gerald Anderson at Kim Chiu na magkasama sa isang mall.
Marami ang nagtatanong kung nagkabalikan na nga ba ang dalawa since nakikita na ulit sila na magkasama? “Di ko alam ‘yan. Sa ngayon imposible, nagkikita lang kami sa ASAP, busy din siya, may taping din siya ng Your Song,” bungad ni Gerald.
Nililigawan kayang muli ng aktor si Kim ngayon? “Hindi! Wow, galing ‘no! Kahit anong sabihin ko last year na okay kami, ayaw maniwala ng tao. Ngayon sobra kaming okay. We’re really close at ‘yun ang importante dun,” paglilinaw pa ni Gerald.
Suportado naman daw ni Gerald ang napapabalitang pagpapa-sexy ni Kim sa mga upcoming projects nito. “Sexy naman talaga siya eh. Kumbaga, ‘yung beauty niya she’s sexy. Natural, siyempre para sa career namin ito at iyon ang gusto niyang pasukin. Suporta na lang ako sa kanya,” pagtatapos pa ng binata.
Chassis iaapela!
Isang indie film ang pinagbibidahan ni Jodi Sta. Maria ngayon, ang Chassis na idinirek ni Adolf Alix. Nakakuha ang nasabing pelikula ng X rating mula sa MTRCB dahil sa ilang maseselang eksena nito. “Mayroong tatlong board members na sumuri at nakita nga nila na ‘yung rating na binigay nila dahil sa eksena.
“Puwede silang mag-apela para sa second review, pero ito ay reccomendation sa rating. Hindi naman natin sinasabi sa manlilikha na tanggalin ang eksena na ‘yun, nasa sa kanya ‘yun,” pahayag ni MTRCB chairperson Grace Poe Llamanzares.
Handa naman daw umapela si Direk Adolf para sa kanilang pelikula. “I think importante talaga ‘yung eksena na gusto nilang putulan. Although I think sensitive siya, we applied naman for R-18 for adults siya. We’ve screened it sa ibang bansa, it was screened uncut. Sana ay maipalabas siya sa Filipinos, same version na napalabas sa ibang bansa,” paliwanag naman ni Direk Adolf.
Bianca manalo, insecure kay Venus Raj?
Ngayong nasa ABS-CBN na ang Binibining Pilipinas ay naging aktibo na rin si Venus Raj sa kanyang showbiz career. Mayroon na rin daw ilang mga projects na naka-lineup para kay Venus ang Kapamilya network.
Ang usap-usapan ay nate-threaten na raw ang beauty queen at kaibigan din ni Venus na si Bianca Manalo. “Uy! Bakit may ganun? Huwag! Naniniwala ako na magkaiba kami. May kanya-kanya kaming galing, ganda at talino. Kung ikasasaya niya ‘yung ganung klaseng field, kung ikasasaya ko ganito, why not? Kung ipagsasama n’yo kami, good,” maikling pahayag ni Bianca. Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest