^

PSN Showbiz

Fil-Am girl bida sa pelikula ni Steven Spielberg

- Veronica R. Samio -

Patuloy ang paghaba ng listahan ng mga Filipino-Americans na gumagawa ng pangalan sa Hollywood. Pinaka-latest ay ang 13 taong gulang na si Hailee Steinfield, gumaganap hindi ng isang supporting role, kundi isa sa mga bida sa pelikulang True Grit, isang pelikulang ginawa ng sikat nung kapanahunan niyang si John Wayne. Kasamang gumaganap ni Hailee bilang bida sa nasabing pelikula sina Jeff Bridges, Matt Damon, James Brolin, Barry Pepper, at marami pang iba.

Ang pelikula ay magkatulong na pinrodyus nina Steven Spielberg, Robert Graf, David Ellison, Paul Schwake, Megan Ellison, at Scott Rudin sa direksiyon nina Joel at Ethan Coen na siya ring sumulat ng istorya.

Ang istorya na naganap nung 1870, makaraan ang Civil War ay tungkol sa isang kabataang babae na matapang, maganda, at napaka-smart at sa murang edad na 14, ay bumiyahe ng Fort Smith, Arkansas para hanapan ng hustisya ang pagkakabaril sa kanyang ama in cold blood ng isang nagnga­ngalang Tom Chaney (Brolin). Layunin ni Mattie Ross, ang role na ginagampanan ni Hailee na makitang binibitay ang killer ng kanyang ama. Kinuha niya ang serbisyo ng itinuturing na pinakamalupit na US marshall para hanapin ito, pero tumanggi ito. Pero dahil nga magaling magsalita at mangumbinse ay napapayag ito ni Mattie na hantingin si Chaney sa halagang $50. Pero target na rin ng Texas ranger na si Leboeuf (Damon) si Chaney. Balak nitong ibalik ng Texas si Chaney, para malitis at para makuha rin niya ang halaga na nakapatong sa ulo nito.

Unang pelikula ito ni Hailee at suwerteng na nominate siya agad sa BAFTA (British Academy of Film and Television Awards) para sa True Grit bilang best actress, silang dalawa ni Jeff Brdges na nabigyan ng nominasyon bilang best actor. Nominated din ang pelikula bilang best film, sa cinematography, production, at costume design at sound. Nominado rin ang pelikula sa Oscars.

Nakuha si Hailee sa True Grit matapos ang isang nationwide search. Sa edad na walo, nagsabi na si Hailee sa kanyang mga magulang na gusto niyang mag-artista. Hindi sila pumayag agad. Isang taon pa ang pinalampas ng kanyang mga magulang bago siya pinayagang kumuha ng agent.

Nagsimula siyang magmodelo sa print na sinundan ng paggawa niya ng mga komersiyal at pag-arte sa mga short films. Hindi naman siya nagpabaya, ang pag-aartista niya ay sinabayan niya ng pagkuha ng mga acting workshops. Napanood siya sa Back To You ni Kelsey Grammar at sa ilang palabas ng Nickelodeon. Nakatira siya sa kasalukuyan sa Los Angeles, California, kasama ang kanyang mga magulang at isang nakatatandang kapatid na lalaki.

* * *

Isang natatangi at heartwarming episode ang ihahatid ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado tungkol sa isang pag-iibigang madalas nating hindi binibigyan ng atensiyon — ang pagkakaibigan ng mga batang paslit.

Ito ang tampok na kuwento sa longest-running drama anthology sa buong Pilipinas starring Abby Bautista and Amy Nobleza sa direksyon ni Nuel Naval. Pasukin natin at pakatutukan ang mundo nina Daniella at Lira, na sa murang edad ay susu­bukin na ang lalim ng pagkakaibigan.

Kasama rin sina Lotlot de Leon as Eden (Daniella’s mother), Eric Fructuoso as Rico (Daniella’s father), Ana Capri as Edith (Lira’s Mother), at Julio Diaz as Dindo (Lira’s father).

* * *

Tumatahimik na sana ang mga Kimerald fans at pinababayaan nang matuloy ang pakikitambal ni Gerald Anderson sa ibang kapareha kung bakit mayroon pang nakaisip na magtatag ng grupong Jewerald bilang tagasubaybay at suporta ng bagong tambalan ni Gerald sa bagong recruit ng Kapamilya Network na si Jewel Mische.

’Katulad ng ibang nali-link kay Gerald, sa pelikula man o tunay na buhay, hindi naging maganda ang pagsisimula ng tambalan nila ni Jewel.

Agad umalma ang mga fans nila ni Kim. Pero na-assure naman silang lahat ng dating Kapuso na hanggang trabaho lang ang magiging ugnayan nila ni Gerald. Ewan na lang kung saan nagsimula at sino ang may pakana ng Jewe­rald dahil tutol daw ang Kimerald. 

* * *

Totoong si Ruffa Gutierrez ang nag-walkout nun sa The Buzz dahil sa na­ging komento ni Kris Aquino na ibang-iba mag-alaga ang ABS-CBN gayung hirap na hirap na siyang kimkimin ang kanyang emosyon at pinipigilan niyang umiyak. Nagpapaalam na kasi siya ng pormal sa lahat dahil pupunta na siya ng TV5. Nang hindi na niya matiis, ayun, nag-walkout na siya!

Si Ruffa din ang tila masayang-masaya sa na­ging pagbabati nila ni Kris. Itinweet niya ito kasabay ng pagkukuwento ng kanyang nararamdaman sa naging pagkikita nila na humantong pa sa pagbebeso-beso nila.

CHANEY

DANIELLA

HAILEE

ISANG

LEFT

SIYA

TRUE GRIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with