Nicolas Cage makakakilala ng mangkukulam

MANILA, Philippines - Ang bagong pelikula ni Nicolas Cage, ang Sea­son of the Witch, ay magtatampok sa aktor bilang isang 14th century knight na naatasan ng mga pari na magdala ng isang akusadong mangkukulam sa malayong simbahan. Ang mang­­kukulam (Claire Foy) ay pinagdududahang sanhi ng kumakalat na epidemya na tinatawag na Black Plague.

Makakasama ni Cage si Ron Perlman ng Hellboy. Ang supernatural thriller na Season of the Witch ay mula sa Viva International Pictures at MVP Pictures at mapapanood sa mga sinehan si­mula ngayong araw (Jan. 26).

Show comments