Bored lang aktres nag-post ng ari ng lalaki sa Twitter

Kinagalitan pala ng boyfriend ang aktres na nag-post ng ari ng lalaki sa Twitter account niya, kaya mabilis na na-delete ang picture. Tinawagan ang BF ng aktres ng kaibigang reporter para tanungin kung alam ang ginawang pagpo-post ng girlfriend ng picture na ipinag-react ng mga followers ng aktres.

 Mabilis na nabura ang picture, kaso na-save na ng ilang followers ng aktres. ’Kaloka ang dahilan nito sa pagpo-post ng picture ng ari ng lalaki, bored lang daw siya, kaya ayun, gumana ang isip at sabi pa, sa eight-year-old niyang pamangkin ang ari na na-post. Bagay na ayaw paniwalaan ng mga nakakita ng picture.

The next time na ma-bore ang aktres, sana ibang bagay na lang ang pagkaabalahan niya at hindi ang pagkuha ng mga ganung klaseng picture at ipo-post pa sa Internet. Naku, tiyak na dededmahin kami ng aktres after this.

* * *

Ginulat ni Erich Gonzales ang press sa presscon ng Careline Cosmetics na kanyang ini-endorse ng buong ningning na itangging boyfriend niya si Enchong Dee. Mabait at napapatawa siya ni Enchong, pero “friends lang kami at masaya kami sa friendship namin,” ang sabi nito.

Eh, ano ’yung nakita naming pagho-holding hands nila sa hallway ng ABS-CBN? Friendship holding hands din lang siguro ’yun?

Walang time sa love si Erich dahil focused sa kanyang career at ayaw sayangin ang mga dumarating na blessings and opportunities, kasama na ang pagkuha sa kanyang endorser ng Careline Cosmetics.

Sabi nina Dioceldo S. Sy at Ni­o Mas, CEO and president of Ever Bilena Cosmetics, Inc. (EBCI) at marketing manager, perfect team sina Erich at Careline.

Anyway, kahit itinanggi ni Erich si Enchong na ikinadismaya ng kanilang fans, tuloy pa rin ang pagtatambal ng dalawa sa Pinoy adaptation ng Maria del Barrio at malapit na ito.

* * *

Masayang na-tweet ni Direk Andoy Ranay na tapos na ang shooting niya ng BBFF o Best Boyfriend Forever episode ng My Valentine Girls na leading ladies ni Richard Gutierrez sina Solenn Heussaff at Lovi Poe. Pina­salamatan ni Direk Andoy ang kanyang “hot cast” at guest sa episode na sina Mylene Dizon, Agot Isidro, at Rocco Nacino.

First movie ni Direk Andoy ang My Valentine Girls, kaya excited lalo’t Valentine offering ito ng Regal Entertainment, Inc. at GMA Films. Sabi ni direk, wala siyang say sa pagpili ng mga leading ladies dahil nang kunin siya, kumpleto na ang cast. Hindi rin niya problema ang chemistry ng tatlo dahil friends sila off cam at nadala ’yun on cam.

Ganun din ang sinabi ni Chris Martinez, ang direktor ng Gunaw episode nina Richard at Eugene Domingo. Hindi niya alam ang cast niya at nagulat nang malamang si Richard ang ididirek. Friends sila nina Eugene at Direk Andoy sa UP at ilang beses nang naidirek ang komedyana at open siyang idirek ang ibang artista.

* * *

Mukhang tama ang desisyon ni Jay Manalo na lumipat sa TV5 dahil dalawang soap agad ang kanyang gagawin. Parehong malalaki at magandang project na parehong primetime at pareho ring importante ang kanyang role.

Kasama si Jay sa Babaeng Hampaslupa bilang kapareha ni Alice Dixson at nasa cast din siya ng Ang Utol Kong Hoodlum na pinagbibidahan ni JC de Vera.

Mauunang umere ang Babaeng Hampaslupa sa Feb. 7 at isang bonggang presscon ang pinaplano ng TV5 para ipakilala ang buong cast. Middle of the year naman ang airing ng Ang Utol... kaya hindi mag-aabot ang dalawang soap.

Si Annabelle Rama na ang manager at sabi nito, nag-promise sa kanya ang aktor na hindi siya bibigyan ng problema.

Show comments