Jay-R Siaboc palpak kumanta!

SEEN : Mali-mali ang lyrics, sintunado, at kinakapos ng hininga si Jay-R Siaboc sa performance niya kahapon sa PO5.

SCENE : Ang ground-breaking ceremony kahapon sa bagong studio ng TV5 na itatayo sa Sheridan at Reliance Streets, Mandaluyong City.

Dumalo sa ground-breaking ceremony ang mga officers ng TV5 sa pa­ngunguna ni Manny V. Pangilinan.

SEEN : Dapat iwasan ni Carla Abellana ang pagsusuot ng shorts sa dance number niya sa TV dahil hindi “telegenic” ang kanyang malalaking hita.

SCENE : Si Cristine Reyes sa ASAP Rocks. Kinain ni Cristine ang kanyang sinabi na hindi na siya lalabas sa ASAP dahil kay Sarah Geronimo.

SEEN : Ang imbitasyon ni Jovit Baldovino sa mga tao na tangkilikin ang kanyang forthcoming concert sa “Music MOO-seum.”

 SCENE : Pinagkaguluhan ng mga Ilonggo ang mga artista ng ASAP Rocks na live na napanood kahapon mula sa Iloilo Sports Complex.

SEEN : Ang song number ni Raymond Gutierrez sa Party Pilipinas. Hindi halata na kabado si Raymond habang kumakanta.

SCENE : Ang Babaeng Hampaslupa ang papalit sa My Driver Sweet Lover na dalawang linggo na lang na mapapanood sa TV.

Show comments