MANILA, Philippines – Marami ang nasiyahan sa itinampok na 2011 Fashion for Women ng QTV 11 programang Life and Style With Gandang Ricky Reys last Sunday.
Ngayong Linggo tungkol naman sa mga kasuotan o men’s fashion ang ibibigay sa inyo ni Mader Ricky Reyes.
Tampok muli ang celebrity stylist na si Sander Andan at sa pamamagitan ng kanyang modelong si Alvin Quillope ay magbibigay siya ng tip kung paano makapagbibihis na sunod sa uso pero sa murang halagang kaya lamang ng bulsa. May listahan pa siya ng mga Best Dressed Pinoy na galing sa iba-ibang sektor o hanapbuhay.
Kapag nasa showbiz ka’y dapat na lagi kang maayos at sunod sa uso sa iyong henerasyon. Tutukan sina Marvin Agustin, Jake Cuenca, Guji Lorenzana at Robi Domingo na magbibigay ng kani-kanilang fashion forecast at statement para sa Taon ng Metal Rabbit.