Nora Aunor nagpapaasa na naman!

O ayan meron na namang paasang salita ang superstar na si Nora Aunor tungkol sa diumano’y pagdating niya ngayong Pebrero. Ibi­na­lita ko na ito sa mga listeners ko sa aking prog­rama sa radio pero ibinabalita ko rin muli para naman sa kapakanan ng readers ng PSN.

Sana nga tuloy na ito. May karagdagang impor­masyon pa na ire-revive daw niyang muli ang kan­yang programang Superstar. Saan kayang istasyon? Gusto kong malaman dahil kasama ako dati dito, co-host ako ni Guy. Payagan kaya ako ng GMA na makasama niyang muli kahit sa ibang istasyon ito mapanood?

Basta ako, sinuman ang maging co-host niya, saan man ito ipalabas, basta umuwi lang siya, okay na. Para naman mabigyan ng kasiyahan ang mga Noranians na ang tagal-tagal na siyang nami-miss.

Malay niya baka sa rami ng offers, matagalan siya bago makabalik ng Amerika.

*    *    *

Hindi ko naman masisisi ang magkakapatid na Gutierrez kung sakali mang maging indifferent sila kay Heart Evangelista dahil sa away nito sa kanilang ina. Magmumukha namang taksil sila kay Annabelle Rama kung makikita silang nakikipagtsikahan sa aktres gayung sukol ang galit dito ng kanilang ina.

Kaya siguro ang nangyayari ay hindi na lamang nila pinapansin si Heart kapag nagkikita sila na siya namang reklamo ng aktres na tulad nang naganap sa kanila ni Raymond Gutierez nang magkita sila sa Party Pilipinas.

Dapat siguro ay intindihin na lang ito ni Heart at huwag nang pansinin. Not unless uunahin niya ang pakikipagbati kay Annabelle dahil after this, siguradong babatiin na rin siya ng mga anak nito.

*    *    *

Dahil wala naman talagang kumpetisyon na na­­ma­magitan sa kanila ni Pia Guanio at talagang tsismis lamang ’yung pagli-link sa kanila ni Vic Sotto kung kaya malayang makipagngitian si Gwen Za­mora sa ex ni Bossing Vic kapag naggi-guest siya sa Eat Bulaga. Nagtataka nga siya kung saan at paano nagsimula ang isyu at kung saan ibinase nang nagsimula ng isyu ang intriga.

Magtataka ka pa ba Gwen, eh sa showbiz naman ang bilis mag-conclude ng mga tao, ang da­ling gumawa ng istorya na ang karamihan naman ay mali.

Show comments