^

PSN Showbiz

3AM nagka-career sa Music Uplate

-

MANILA, Philippines –  Bibigyan ng kakaibang tunog ng pinaka-bagong boy group ng bansa, 3AM, ang pop-alternative music sa pagsabak nina Mica Caldito, James Torres at Kyle Amor sa kanilang unang album sa ilalim ng Star Records.

Ang unang appearance ng grupo sa Music Uplate Live, isang late-night musical-interactive show na umeere sa ABS-CBN, ang siyang nagbigay daan sa kanilang kasikatan. Lumabas ang tatlong naggagwapuhang lalake ng walang pangalan sa Break Mo ‘To segment sa nasabing late-night show. Sa pamamagitan ng isang poll na pinangunahan ng mga Music Uplate Live hosts na sina Yeng Constantino, Tutti Caringal at Gee Canlas, at sa tulong ng mga kapuyaters, nabansagan ang grupo nila bilang 3AM.

Mabilis na sumikat ang 3AM, na magkakaibigan sa tunay na buhay, na ngayon ay nasa pangangalaga ng Cornerstone Talent Management Cen­ter. Agad nilang napukaw ang puso ng karamihan kaya naman malakas ang hits ng kanilang video sa Youtube at pinag-uusapan na sa mga online forums. Sa katunayan, wala pang isang buwan ang nakalilipas mula ng kanilang unang appearance sa Music Uplate Live ay pinabalik na agad ang grupo sa nasabing palabas upang pagbigyan ang sangkaterbang requests mula sa mga kapuyaters. Higit pa riyan ay nagsilbing front act na rin ang tatlo sa ilang tours at gigs nina Piolo Pascual at Yeng.

Si Kyle ay hindi na bago sa mundo ng showbusiness. Lumabas na ang binata sa ilang print at television commercials. Samantala, Si James at Mica naman ay nagpe-perform na sa iba’t ibang paaralan at puro positibong feedbacks ang kanilang inaani sa tuwing sila’y magpapakitang-gilas. 

Regular nang lumalabas sina Kyle, James at Mica sa teen va­riety show ng ABS-CBN, ang Shout Out. Bahagi sila ng Tuesdelicious group.

Sa kabilang dako, nakahanda na rin ang tatlo na lumabas sa upcoming movie nina Maja Salvador at Mateo Guidicelli na pinamagatang Basted. 

Anyway, naglalaman ng apat na orihinal na tracks na sinulat ni Mica at isang cover song ang kanilang unang album : Come Around, Mapapansin Mo Ba, Hindi Mo Lang Alam, When I Gave It Up Too Soon, at ang kanilang bersiyon ng Baby ni Justin Bieber. Abangan ang kanilang unang carrier single, ang Hindi Mo Lang Alam sa iba’t ibang radio stations sa bansa at ang kanilang unang music video na idinirehe ni Raffy Francisco na mapapanood sa nangungunang music channels.

Makakakuha rin ng digital format ng tracks sa www.starrecords.ph.

BREAK MO

COME AROUND

CORNERSTONE TALENT MANAGEMENT CEN

GEE CANLAS

HINDI MO LANG ALAM

JAMES TORRES

JUSTIN BIEBER

KANILANG

KYLE AMOR

MUSIC UPLATE LIVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with