Susan Roces namimili na lang ng trabaho
Bonggang-bongga ang salubong ng TV5 sa nag-iisang reyna ng pelikula na si Ms. Susan Roces.
Kahapon ay binigyan na siya ng solo presscon at nagpapasalamat siya sa Kapatid Network sa magandang pagsalubong sa kanya sa kanilang bakuran.
Matagal-tagal na ring namamahinga sa pag-arte si Ms. Susan. Huli siyang napanood sa ABS-CBN – sa programang kasama si Claudine Barretto na nagkaroon pa noon ng issue na pinaghihintay siya ni Claudine sa taping.
Pero wala na ‘yun. Masaya siya na nakapag-trabaho siya sa GMA 7, ABS-CBN at ngayon ay sa TV5 para sa Babaeng Hampaslupa.
Siya, kasama sina Alice Dixson at Alex Gonzaga ang magiging bida sa kauna-unahang drama series ng TV5.
Gaganap siya rito bilang si Helena See, isang metikulosang Chinese tycoon na may mabuting loob para sa mga taong api at nagsisikap para sa ambisyon sa buhay. Ibabahagi ng mga karakter ng tatlong bida ang patuloy na pakikipaglaban nila sa buhay para sa pangarap at pag-ibig.
Pero bukod sa pagbabalik sa pag-arte, marami rin siyempre ang interesadong malaman kung super bongga ba ang talent fee kaya niya tinanggap ang trabaho sa TV5. “Secret,” sabay tawa ni Ms. Susan na unang nag-bida sa pelikulang Boksingera Daw (1956) kapareha si Luis Gonzales na matapos ang tagumpay ng kauna-unahang pagbibida, nai-pareha ang reyna sa hindi mabilang na pelikula kasama sina Juancho Gutierrez, Jose Mari Gonzales, Romeo Vasquez, at Eddie Gutierrez. At nagbalik sa paggawa ng pelikula si Ms. Susan sa ikalawang yugto ng Chinese-themed movie na Mano Po 2 (2003) ng Regal Entertainment.
At ngayon, namimili na lang daw siya ng mga tatanggaping project – mga trabahong gusto lang niyang gawin.
Samantala, something different ang description niya sa kanyang role sa Babaeng Hampaslupa dahil hindi mahirap ang character ni Helena See. “Unlike before na I appeared poor poor woman, ‘yung isa naman, meron akong alzeimer,” she recalled. At least daw dito, fashionable siya at makakapagbihis ng magaganda. In fact, kinunan pa siya ng stylist at make up artist na according to her ay kaya naman sana niyang gawin.
At contrary sa naging impression ng marami, hindi naman pala kuwento ng kahirapan ang unang teleserye ng Kapatid Network. Sa katunayan, mag-aagawan sila rito ng mga lupain ng angkan naman ni Freddie Webb na nagbabalik din sa pag-arte.
Wala ring koneksiyon sa dating pelikulang ganito rin ang title ang kuwento nito pero nakakatakang pareho ang title. Sana iniba na lang nila.
Anyway, sina Eric Quizon and Joyce Bernal ang dalawang bigating direktor ng programa.
* * *
Parang scripted naman ang mga dialogue ni Baron Geisler sa pagso-sorry niya kay Cherry Pie Picache. Nag-deny na nga siya nagpapa-awa pa dahil gusto niya pang magpatulong magpa-rehab sa PAMI na humusga raw sa kanya dahil wala naman siyang datung na pambayad sa rehab.
Simple lang ang problema niya actually : kung pinipigilan lang sana niya ang sariling uminom, sana ay wala siyang problema.
- Latest