Ryza gustong lubusin ang pagmamanyak kay Aljur
Hindi na namin ito itinanong sa mga kinauukulan dahil baka hindi sagutin, kaya sa kolum ko dito sa PSN na lang namin aalamin kung may katotohanan ang tsikang kay Ryza Cenon dapat ang role nina Aginaya at Rosella sa Machete na ibinigay kay Bela Padilla.
Hindi lang natuloy kay Ryza ang nasabing role na tila mas bida kesa sa Marla role niya dahil sa kabisihan niya. Hindi pa nga naman tapos ang Koreana at nasa first two weeks siya ng I Heart You Pare. Mag-aabot ang Machete na pilot na sa Jan. 24 at I Heart You Pare na Feb. 7 naman ang airing.
Tanggap ni Ryza na story nina Aljur Abrenica at Bela ang Machete at wala siyang reklamo. Masaya rin siya sa bida-kontrabida role at sabi nga niya : “Okay lang sa akin na support nila ako. Maganda naman ang exposure ko at part ako ng kuwento. Kung wala ang karakter ko, walang Machete.”
Natawa kami sa sabi ni Ryza: “Hindi ko pa masyadong namanyak si Aljur dahil nang kunan ang eksena namin, masama ang pakiramdam ko. Next time, na kunan ang paglilok ko sa kanya, lulubus-lubusin ko na ang pagmamanyak sa kanya.”
* * *
Na-appoint si Ogie Alcasid ni President Noynoy Aquino sa People Power Commission (PPC) at ang grupong ito yata ang mamamahala sa pagdiriwang ng 25th anniversary ng People Power o EDSA Revolution sa February.
Pero hindi lahat ay pabor sa pagkaka-appoint kay Ogie at sa Twitter nga, may ilang nag-post na baka tumatanaw ng utang na loob si P-Noy sa naitulong ng mister ni Regine Velasquez sa pagkakapanalo nito.
May nag-suggest namang kumanta na lang si Ogie at ’wag nang tanggapin ang maging member ng PPC.
May nagtanggol din naman kay Ogie at sinabing bagay sa kanya ang mamuno sa PPC, lalo na kung kapwa singer at artista ang kakausapin.
* * *
Siguradong tuwang-tuwa nito si Kylie Padilla dahil may tsikang papasok na rin siya sa Reel Love Presents…Tween Hearts. Hindi lang kami sure kung guest lang ang dalagita o magiging permanenteng kapalit ni Louise delos Reyes na inalis na dahil ini-launch sa Alakdana.
Nawalan ng kapareha si Derrick Monasterio sa pagkawala ni Louise at magandang promo rin sa Dwarfina kung saan magkapareha sina Kylie at Derrick, kung pati sa Tween Hearts, sila rin ang magka-loveteam.
* * *
Biglang nawala si Paulo Avelino sa presscon ng Alakdana, may taping daw, pero nasa presscon ang mga kasama sa serye at si Direk Mac Alejandre. Ang dalawa pang leading men ni Louise delos Reyes na sina Ritchie Paul Gutierrez at ang newcomer na si Alden Richards ang nakausap ng press.
Sobrang tuwa ng 18-year-old actor na makasama sa series, napalitan ang depression niya nang Top 60 lang ang inabot sa StarStruck V noon dahil bida na siya ngayon.
Nangako itong pagbubutihin ang trabaho para hindi masayang ang tiwala ni Direk Mac, ng GMA 7 at GMA Artists Center. Second year college sa De La Salle Canlubang si Alden at endorser ng KFC Double Down.
Sinusunod ni Ritchie Paul ang advice ni Richard Gutierrez na maging mabait sa cast, crew, at staff ng Alakdana at magpasalamat sa opportunity na dumating sa kanya. Third acting project na ni Ritchie Paul ito dahil lumabas na siya sa Zorro at Pilyang Kerubin.
- Latest