TRUE : Hindi ikinakaila ni Jobelle Salvador na may malaking utang na loob siya kay Robin Padilla pagkatapos panagutan ng aktor ang una niyang ipinagbubuntis noon.
Naungkat na naman ang kuwentong ito nang bumalik sa pag-aartista si Jobelle via Alakdana na magsisimula na sa January 24 pagkatapos ng Eat Bulaga.
Lumabas na rin si Jobelle sa Grazilda kaya itinuluy-tuloy na nito ang pagbabalik-showbiz dahil hinahanap pa rin daw niya ito kahit happy naman siya sa pribadong buhay niya sa Amerika.
Nang humarap ito sa presscon ng Alakdana kamakalawa ng gabi, hindi naiwasang pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Robin at muli itong nagpasalamat sa aktor sa pagsalba sa kanya sa kahihiyan dahil itinanggi naman ng unang boyfriend niya ang ipinagbubuntis niya noon.
“He’s my savior,” pahayag ni Jobelle kaya paulit-ulit itong nagpapasalamat kay Robin at masaya na raw siya ngayon para sa aktor nang nabalitaan nitong nagpakasal ito kay Mariel Rodriguez.
Ngayon ay twenty-one years old na ang kanyang anak at nasa Amerika ito. Hindi naman daw niya itinago sa anak ang totoong kuwento.
TANONG : Totoo kayang break na sina Isabel Oli at kanyang non-showbiz boyfriend, at isa raw sa dahilan nang pinag-awayan nila ay si James Yap?
Itinatanggi naman ng dalawa ang pagkaka-link nila pero patuloy pa rin silang pinag-uusapan.
Nakita naman ng ilang taga-Tweetbiz si James sa isang bar nung nakaraang linggo lang, pero kasama naman daw nito ang mga ka-teammates niya. Pero si James lang daw talaga ang pinagkakaguluhan ng mga babaeng nandun.
TOTOO KAYANG dahil sa Twitter ay nakipag-break na ang boyfriend ng kilalang comedienne?
Naloka raw kasi ang boyfriend ng komedyante dahil lahat na lang daw ngnangyayari sa kanilang relasyon ay tini-tweet nitong comedienne. Wala na raw silang privacy ng mga nangyayari sa kanila na ang ilang dapat para sa kanilang dalawa lang ay nalalaman ng lahat dahil sa kaka-tweet ng komedyanteng karelasyon.
Ngayon ay medyo okay na yata si comedienne, dahil very positive naman ang mga tini-tweet nito, at tanggap na niya ang nangyari sa kanyang lovelife.
TSIKA LANG : Gusto ko palang i-korek ang unang kuwento ko tungkol sa nangyari sa kasal nina Oyo Sotto at Kristine Hermosa kung saan napaiyak ang ama ni Miko Sotto na si Maru Sotto dahil nakita nito ang nakasulat sa marriage contract ay ang pangalang Marcelino Antonio Sotto III (tunay na pangalan ni Miko).
Ang buong pangalan pala ni Maru ay Marcelino Sotto Jr., hindi Marcelino Antonio Sotto II.
Kaya malaki ang pagkakaiba sa nakasulat sa marriage contract. Humihingi po kami ng paumanhin kay Maru sa pagkakamali.
Nasa honeymoon pa pala sina Oyoboy at Kristine.
Abangan na lang natin kung magpapa-interview sila pagbalik.