Venus nag-aaral nang umarte

Kung talagang gusto ni Heart Evangelista na matapos na ang away nila ng manager niyang si Annabelle Rama, dalawa ang puwede niyang gawin. Una, makipagbati na siya rito. Ikalawa, I-ignore niya ito at ang mga kakampi nito completely. Ni isang salita tungkol dito at sa isyu na kinasasangkutan nila ay huwag na niyang gawin. Habang nagsasalita siya o kung hindi man siya nagsasalita ay bumibirada naman siya sa kanyang Twitter account ay pinalalala lamang niya ang sitwasyon. Hindi siya tatantanan nito. At pati mga anak nito ay isa-isa nang sasagot sa kanya. Wala siyang laban.

* * *

Pati pala sa mga charity works ni Dingdong Dantes ay kasama niya ang girlfriend na si Marian Rivera. Kaya marahil lalong napapamahal ang aktres sa kanyang boyfriend.

Ganito lang naman ang sikreto ng isang magandang samahan, ‘yung pareho kayo ng interes at magkatulong n’yong itinatawid ang interes na ito. Kaya mara­ming naa-accomplish si Dingdong na mga public service dahil may umaalalay sa kanya. Bukod nga naman sa inspirasyon, mala­king tulong pa rin si Marian sa mga proyekto niya.

* * *

Ang bongga nitong si Miss Universe 4th runner-up Venus Raj ha! Pinupuntirya nito either si Piolo Pascual or si Coco Martin para makatrabaho niya. Ay, mali yata ang sinabi kong either or. Dapat pala ay both actor ay makasama niya, kung hindi man sabay ay paisa-isa. Ganito niya hinahangaan ang dalawang aktor.

Ngayong Kapamilya na siya, wala nang imposible sa ambisyon ng magandang dalaga. It’s just a matter of time, pasasaan ba’t makaka-partner din niya ang dalawa. At habang naghihintay siya ng tamang proyekto, ihahanda niya ang kanyang sarili. Magpapakagaling siyang umarte, para naman hindi siya ma­ging kahiya-hiya kapag dumating ang pagkakataon na makakasama na niya ang dalawa.

* * *

Bakit ba ipinagpipilitan nilang binili lang ni AiAi delas Alas ang kanyang best actress award? Hindi siguro siya ang tipo na papatol sa ganito karuming bagay. Nakita ko naman ang performance niya sa last episode ng Ang Ta­nging Ina Mo at nagalingan naman ako sa kanya. Akala ko exaggerated lang ang kuwento ng mga nakapanood tungkol sa pelikula pero maganda nga ito. Nakakatawa from start to finish. At kahit nagdadrama hindi nawala ang pagiging komedyante ni AiAi. Hindi rin napatungan ang pagiging komedyante niya ng mga pag-iyak-iyak nito.

Dito lumamang si AiAi sa kung sinuman ang nakalaban niya. Masyadong maikli ang role ni Carla Abellana sa SRR 12. Ganundin si Marian Rivera. Baka nahirapan pa siya kung si Jennylyn Mercado ang nakalaban niya. Pero siya pa rin ang mananalo in the long run. 

Show comments