^

PSN Showbiz

Walang kontrata sa Viva, Glaiza puwedeng magka-pelikula sa kahit anong kumpanya

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Kung ang direktor lang ng isang soap ang masusunod, ayaw na niyang pabalikin sa taping ang aktor na kasama sa cast dahil sa attitude nito. Sa pinakahuling taping, the actor was fired by the director dahil naging pasaway.

Ang tsika sa amin, three times nang winar­ningan ng direktor ang aktor na mag-behave at lagi itong nangangakong kikilos ng tama, pero laging napapako. Itong last time sobrang napuno si direk at pinalayas sa set ang aktor at sinabihang ’wag nang bumalik. Pero paano kung may eksena pa itong dapat kunan?

* * *

Nagpapatulong si Manny Valera, manager ni Glaiza de Castro na linawin ang isyung nasulat sa ibang diyaryo na hindi dapat bigyan ng launching movie ng Regal Entertainment, Inc. ang aktres dahil nakakontrata ito sa Viva Films at baka mapigil lang ang showing ng Aswang na gagastusan pa naman ng malaki ng Regal at gagawin in 3D form.

Agad tumawag si Manny kay June Rufino para alamin ang kontrata ni Glaiza sa Viva Films at totoong pumirma ng kontrata ang aktres mula 2000 to 2003, pero hindi ipinagpatuloy ang kontrata at noong Feb. 14, 2001, ni-release siya ni Vic del Rosario sa pinirmahang kontrata.

Ibig sabihin, matagal ng walang kontrata sa Viva Films si Glaiza at libre siyang gumawa ng pelikula kahit saang film company at nagkataong ang Regal ang magbibigay sa kanya ng launching movie. Bukod sa Aswang, gagawin din ni Glaiza sa Regal Entertainment, Inc. ang Mahinhin vs. Mahinhin na tila tomboy ang role niya.

Kasunod nito, tinatawagan ni Manny ang 1979 batchmates niya sa UST Med Tech na may reunion kayo sa Jan. 22, sa Cerchio Resto, 76 Sct. Limbaga cor. Tomas Morato. Registration starts at 6 p.m., at 7 p.m., ang thanksgiving mass. Dubbed U @32 ang reunion, call Lyn Tamayo at 0917-7965968 or Darlene Abraham at 0926-5535553 or e-mail [email protected].

* * *

Nagpaalam muna si Jillian Ward sa ina bago sagutin ang tanong ng press kung ano ang name niya sa Captain Barbell at kung lilipad din siya sa series. Nang umoo ang ina, saka lang nitong sinabing Barbella ang name niya at makalilipad siya ’pag sumasakay siya sa likod ni Richard Gutierrez. 

Hindi pa man nagti-taping ang Captain Barbell, close na sina Jillian at Richard dahil magkasama rin sila sa Valentine movie ng GMA Films at Regal Entertainment, Inc. na My Valentine Girls at mas marami silang eksena kesa leading ladies ng aktor.

Kung nakinig lang si Jillian kung paano siya pinuri ni Richard sa presscon, tiyak na matutuwa siya, kaso sa halip na makinig, naglaro ang bagets. Sabi ng aktor, ngayon lang siya naka-experience ng very talented at very hyper na child star at ’di niya alam kung saan galing ang energy nito at kung naglo-load ba ng sugar bago ang shooting.

* * *

Kapag pinanood ni Jennica Garcia ang Babaing Hampaslupa ng TV5 na eere simula Feb. 7, hindi lang ang present BF niyang si Alwyn Uytingco ang kanyang mapapanood, pati ang ex niyang si Mart Escudero na TV5 talent na. Ang dalawa ang leading men ni Alex Gonzaga sa first teleserye ng istasyon.

Ayon sa isang source, nagbabatian pero halatang nag-iiwasan ang dalawang aktor. Sa storycon ng teleserye, nagbatian sina Mart at Alwyn, pero sa pictorial nag-iwasan na at may effort ang isa’t isa na hindi sila pumuwesto sa magkaparehong lugar. Kapag nasa left side ng studio ang isa, nasa right side ang isa kahit puwede naman silang magtabi.

                                                                          

ALEX GONZAGA

ALWYN UYTINGCO

ASWANG

BABAING HAMPASLUPA

CAPTAIN BARBELL

GLAIZA

KUNG

REGAL ENTERTAINMENT

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with