Regine walang pakialam sa katawan kahit lumobo
Hindi nang-eeklay si Regine Velasquez nang sabihin nito na tumaba siya. Obvious sa guesting kahapon ni Regine sa Showbiz Central na nag-gain siya ng unwanted pounds, isang ebidensiya na happily married siya kay Ogie Alcasid.
Ang say ni Regine, wala itong care kung tumaba siya dahil maligaya siya. Iniisip ni Regine na magkaroon ng major concert sa April bilang celebration ng kanyang silver anniversary sa entertainment industry.
* * *
Matagal nang may tampuhan sina Sharon Cuneta at Dolly Anne Carvajal dahil sa isang isyu na hindi ko na matandaan.
Malapit nang magkasundo ang dalawa dahil magkikita sila sa Miyerkules. Ibinalita kahapon ni Dolly sa Paparazzi na siya ang ni-request ni Sharon para mag-interview sa Megastar.
Marami ang natuwa sa bagong development na ito dahil alam sa buong showbiz kung gaano ka-close si Sharon at ang namayapang nanay ni Dolly, ang original Queen of Intrigues, si Inday Badiday. Kung nasaan man si Badids, siguradong masaya siya dahil sa nalalapit na reconciliation ng kanyang anak at anak-anakan.
* * *
Magsisimula na pala sa Jan. 22 ang Buhawi Jack kaya aligaga sa promo nito sina Gerald Anderson, Jewel Mische, at ang aking inaanak na si Rap Fernandez.
Pinanood ko kahapon ang promo guesting ni Rap sa ASAP Rocks at napansin ko na nakuha niya ang tindig ng kanyang tatay na si Rudy Fernandez at ang facial expression ng kanyang Kuya Mark Anthony.
Ang Buhawi Jack ang baptism of fire ni Rap dahil first time niya na aarte sa harap ng camera.
* * *
Masuwerte si Alex Gonzaga dahil malalaking artista ang kasama niya sa Babaeng Hampaslupa.
Si Alex ang lead star ng Babaeng Hampaslupa at co-stars niya sa pagbibidahan na drama series sina Susan Roces, Alice Dixson, Jay Manalo, Freddie Webb, Celso Ad Castillo, at marami pang iba. Si Eric Quizon ang direktor ng Babaing Hampaslupa at kilala siya bilang pinaka-relaxed at mabait na direktor. Walang katensyon-tensyon sa set kapag si Eric ang captain of the ship.
Teka, walang kinalaman ang kuwento ng Babaeng Hampaslupa sa pelikula na pinagbidahan noon ni Maricel Soriano at sa old movie ni Nida Blanca noong 1952.
* * *
May balbas at bigote si Dingdong Dantes dahil kailangan ’yon sa kanyang role sa I Heart You Pare.
Matatagalan pa bago mag-ahit si Dingdong or else, masisira ang continuity ng mga eksena nila ni Regine.
Nag-resume na uli ang taping ng I Heart You Pare. Pansamantalang nahinto ang taping nang maging busy si Regine sa wedding preparations nito.
* * *
Patindi nang patindi ang gap nina Raymond Gutierrez at Heart Evangelista. May mga naloka sa ibinulgar ni DJ Mo Twister tungkol sa BBM ni Raymond na may kinalaman sa fake na ugali at fake boobs.
Naloka si Ruffa Gutierrez sa ginawa ni DJ Mo dahil hindi pang-public consumption ang kanyang ikinuwento. Imbes na matsugi ang isyu, nadagdagan pa dahil sa mga lihim na nabubunyag. Nabubunyag o!
- Latest