Maganda at napaka-interesting ng episode kahapon ng Imbestigador ni Mike Enriquez, ’yung nagkaroon ng follow up ang exposé na ginawa ng kanyang programa seven days ago sa isang pulis na sumisinghot ng shabu. Naging dahilan ito para magsagawa ang Philippine National Police (PNP) ng isang massive drug test sa kapulisan. Ito ang tinutukan ng programa kahapon na hindi lamang isa kundi dalawang alagad ng batas ang nahuli ng kamera ng Imbestigador na gumagamit ng iligal na droga.
Dahil sa nasabing exposé, nagkaroon ng biglaang drug test sa mga pulis na naka-assign sa Caloocan City at sa probinsiya ng Bulacan.
Sa kanyang programa, nakuha rin ng anchor ang atensiyon ni P-Noy at maging ng Kamara para magbigay ng suporta at agarang aksiyon sa mga ginagawa nilang pagbubulgar ng mga katiwalian ng ilang mga pulis sa bansa at maging sa pamahalaan.
* * *
Muling nahalal bilang pangulo ng Philippine Movie Press Cub (PMPC) si Melba Llanera sa katatapos na halalan ng naturang club na ginanap sa mismong opisina nito, noong Biyernes, ika-13 ng Enero.
Kasama niyang nahalal bilang pangalawang pangulo si Mell Navarro. Dati rin niyang mga opisyal sina Rodel Fernando, na humahawak ng bagong posisyon bilang ang secretary, at ang assistant nitong si Mildred Bacud.
Muli ring nahalal na treasurer at assistant treasurer sina Boy Romero at Blessie Cirera. Si Fernan de Guzman ang bagong auditor. At sa ikalawang termino ay muling nahalal na PRO si Sandy Es Mariano.
Ang board of directors ay binubuo nina Julie Bonifacio, Roldan Castro, Joe Cesar, John Fontanilla, Romel Galapon, Rommel Placente, at Ador Saluta.
* * *
Nakikiramay ako sa pagkamatay ng ina ng isa sa mga talented na taong nakilala ko sa mundo ng showbiz, si Felicitas “Cris” Nicolas, entertainment director ng Club Mwah, nagbibigay ng mga dekalidad na pagtatanghal na matatagpuan sa Mandaluyonng City.
Namatay si Cris at inihatid na sa huling hantungan nung Biyernes. Nakikiramay ako sa mga naiwan lalo na sa partner niya na si Pocholo Mallilin na itinuring na ring ina ang namayapa.