Isa ako sa talagang malulungkot kapag nag-disband o naghiwa-hiwalay ang Sessionistas, isang grupong binuo ng ABS-CBN para sa isang segment ng ASAP.
Binubuo nina Richard Poon, ang Big Band Crooner; Aiza Seguerra, Asian Acoustic Sensation; Duncan Ramos, Knight of R&B; Nina, Diamond Soul Siren; Juris, Queen of Acoustic Pop; Sitti Navarro, Bossa Nova Diva; at Princess Velasco, the Acoustic Princess, malaki ang kontribusyon ng pito sa ikinagaganda at tagumpay ng panglinggong tanghaling programa ng Kapamilya Network. Ang kasikatan ng grupo ay nagdala sa lahat ng miyembro sa buong kapuluan at maski na sa mga major concerts sa abroad –Anaheim at San Jose California, New York, at Guam, at maging sa Toronto at Calgary sa Canada.
Sa Pebrero 5, isang malaking concert ang gagawin nila sa Araneta Coliseum. Pinamagatang ASAP Sessionistas 20.11, nangangako ang ikalawang pagsasama-sama ng pito na hindi ito isang repeat ng kanilang first major concert na naganap nung Agosto ng 2009 kundi ng isang hindi pa napapanood na palabas.
Humarap ang pito sa isang presscon para sa launching ng ASAP Sessionistas 20.11 sa napakaagang umaga nung Huwebes at isa sa sinagot nila ay kung may katotohanan ang tsikang maghihiwalay na sila, magdi-disband. Ibinigay na dahilan ng nagtanong ay ang pangyayaring ilan sa grupo ang may offer sa kalabang istasyon ng Dos. Siyempre, may aamin ba kung totoo man? Lahat kasi ay nagsabing wala silang alam sa isyu, nun lamang presscon nila narinig ito.
Si Aiza ay nagsabing kahit wala siyang kontrata sa grupo ay hindi siya kakalas dito, ’yun pa kayang may kontrata silang lahat sa ASAP?
“Solid kami at loyal sa grupo. Mawawala ang identity ng grupo kapag naghiwa-hiwalay kami,” say ni Aiza na sinusugan ng anim niyang kasamahan.
Isang maagang concert ang magaganap sa The Big Dome sa Feb. 5. Ang talagang Valentine concert nila ay magaganap sa Dagupan, Pangasinan.
May nagtanong kung hindi ba sila natatakot dahil halos ay makakasabay ang concert nila ng gagawin dito ng sikat na si Taylor Swift. Bago sila nakasagot ay may nagbigay na ng impormasyon na mabilis ang pagkaubos ng tiket para sa concert nila.
“Hindi naman talaga sabay ang concert namin, may pagitan,” sagot ng grupo.
At kung makasabay man nila ang sikat na foreign artist, dagdag nila, naniniwala silang may sapat silang following na sasama sa kanila sa Araneta.
Sa kabilang banda, para mapagbutihan ng mga local artists ang mga performances nila. Kung napapansin n’yo kasi, ang mga foreign acts free flow, puro praktisado ang mga performers. Ito ang gusto kong magaya naming mga local artists, ’yung paggawa ng mga shows na hindi staged, hindi nakakahon. Ako, naniniwala na ang music dapat ay isini-share,” tugon ni Aiza.
* * *
Bakit parang nagiging malaking isyu ang mga kissing scenes ngayon, gayung isang normal na bahagi na lamang ito ng isang pelikula o serye? Tuwing may ginagawang project ang isang artista, palaging itinatanong kung may kissing scene ba siya, kung ano ang opinyon at reaksiyon niya tungkol dito, lalo’t ang magiging kahalikan niya ay hindi niya ka-loveteam o baguhang makakasama lamang.
Ang kissing scene nina Eugene Domingo at Richard Gutierrez sa isa nilang pelikula ay nagiging isang malaking isyu, lalo’t sinasabi ng komedyante na hindi siya nakatulog ng dalawang gabi matapos niyang gawin ito. As if first time niyang makipag-kissing scene gayung malaking artistang lalaki naman ang nakahalikan niya in the past, gaya nina Diether Ocampo (Mamarazzi), at Dingdong Dantes (Kimmy Dora).
Ano kaya ang nasa halik ni Richard na nagbigay sa kanya ng two endless and sleepness nights kumpara sa kissing scenes niya with Diet and Dingdong?
Si Kim Chiu ay hindi makapagsalita nang tanungin kung ano ang magiging reaksiyon niya sakali mang magkaroon sila ng kissing scene ni Piolo Pascual sa unang pagpapareha nila. “Nakakahiya kay KC,” ang tangi niyang nasambit, referring of course to Megastar’s eldest daughter na sinasabing karelasyon ngayon ng guwapong aktor. “Pero sa ikagaganda ng pelikula, wala akong choice kundi ang gawin ito, kapag sinabi ng director.”
Kung magkakaroon sila ng kissing scene na sigurado namang mangyayari, kung isang love story ang gagawin nila dahil hindi na uso ngayon ang love story na naghahawakan lamang ng kamay at nagtititigan lamang ang mga characters who are supposed to be in love.
Wala ring kissing scene sa episode ngayong gabi sina EJ Falcon at Miles Ocampo sa Maalaala Mo Kaya kahit pa isang May December love story ang kuwento.
Sobrang napakabata pa ni Miles para gumawa ng mga ganitong eksena, pero naitawid naman nila ni EJ ang kanilang mga eksena sa isang istorya ng pag-ibig ng isang nagdadalagang babae na iibig at makikipagtanan sa isang 23 taong gulang na lalaki na bukod sa malaki ang katandaan sa kanya ay may kapansanan pa, wala itong mga paa. Hindi sila naging masaya sa kanilang pagsasama kaya binalikan nila ang lugar na kanilang pinanggalingan.