Totoo pala ang tsikang stockholder ng SMDC si Marian Rivera at ang manager nitong si Popoy Caritativo ang nag-confirm sa Twitter. Sabi ni Popoy, “Maraming salamat sa SMDC sa ibinigay nilang stocks kay Marian, stockholder na siya ngayon.”
Hindi lang binanggit ni Popoy kung ilang shares ang ibinigay ng SMDC kay Marian, pero napakalaking bagay na maging stockholder ng SMDC ha! Kaya pala si Marian ang nag-ring ng bell sa PSE o Philippine Stock Exchange.
Ibinalita rin ni Popoy na successful ang laser surgery ni Marian sa mga mata dahil nagtatanong ang mga fans ng aktres na nakaalam na magpapa-laser surgery ang dalaga. Masaya na nag-text sa kanya si Marian na mas malinaw na ang vision niya after the surgery.
* * *
Si Eugene Domingo ang unang na-interview ng press sa apat na leading ladies ni Richard Gutierrrez sa Valentine movie na My Valentine Girls na showing sa Feb. 9 at co-produced ng GMA Films at Regal Films.
Ipinakumpara kay Eugene ang kissing scene nila ni Richard sa Gunaw episode sa kissing scene niya sa ibang aktor. “Ibang-iba ito sa lahat ng mga kissing scenes na ginawa ko. Sabi ni Direk Chris Martinez, natameme ako after the scene. Sayang nga at take one, sana paulit-ulit ang take. He made me feel like a leading lady. After Richard, hinihintay ko na lang si Tito Eddie (Gutierrez),” sabi nito na ikinatawa ng press.
Sa tanong kung papayag siyang magpalahi kay Richard, mabilis na “oo naman” ang sagot ni Eugene at sumundot ng “Choosy pa ba ako?”
Sabi naman ni Richard, positive energy ang dala ni Eugene sa shooting at gusto niya ’yun. “It’s great working with her, no dull moment talaga at napakahusay niya. She brings out in me my comic side.”
Nabanggit pala ni Richard na hindi ang My Valentine Girls ang last na pagsasama nila ni Eugene, kaya malaki ang posibilidad na matuloy ang request ng marami na magsama sila sa isang full-length movie.
* * *
Ipina-interview ng TV5 si Alice Dixson after nitong pumirma ng non-exclusive contract sa istasyon para sa Babaeng Hampaslupa. Nang mabasa nito ang kontrata at talent fee na tatanggapin, ang reaction ni Alice ay “Oh! My talent fee is bigger here.”
Anyway, para sa Babaeng Hampaslupa pa lang ang pinirmahan ni Alice at sa Monday malalaman kung madadagdagan ang show niya sa TV5 at kung mai-extend ang stay niya sa Pilipinas. Mukhang nag-i-enjoy ito sa pagbabalik-showbiz niya, minus the intrigue, kaya mukhang magtatagal siya rito.
Two days palang nakakapag-taping si Alice at mahihirap na eksena agad ang kinunan sa kanya ni Direk Eric Quizon. She doesn’t mind playing mother to Alex Gonzaga kahit in real life ay wala pa siyang anak. Excited naman siya to be working with Ms. Susan Roces na gaganap na kanyang ina sa first teleserye ng TV5 na magpa-pilot sa Feb. 7, sa direksiyon nina Eric at Joyce Bernal.
* * *
May recap ang pilot week ng Dwarfina entitled Dwarfina, Ang Higanteng Simula na mapapanood this Saturday sa Kapuso Movie Festival time slot, after Wish Ko Lang. Favorable ito sa mga hindi nakapanood ng pilot week at sa papasok na linggo pa lang magsisimulang manood.
Malalaman nila ang simula ni Dwarfina (Heart Evangelista), kung paano siya naging duwende at pati ang story ng mga tao sa kanyang paligid.