^

PSN Showbiz

Pagkawasak ng Bamboo walang pakialam ang mga tao

- SEEN SCENE -

Seen : Hindi natakpan ng bahag ang short shorts na suot ni Aljur Abrenica sa kanyang Machete costume.

Scene : Balik-ABS-CBN si Ahron Villena na nabuhay ang career nang sumali sa Survivor Philippines ng GMA 7. Kasali si Ahron sa cast ng Mutya.

Seen : Walang impact ang pagkabuwag ng banda ni Bamboo dahil hindi ito kasing sikat ng Eraserheads.

Scene : Sa January 18 ang last taping day ng Jillian : Namamasko Po!

Seen : Tumaba si Hubert Webb mula nang makalaya siya sa kulungan. Si Hubert ang special guest mamayang gabi sa The Bottomline ni Boy Abunda.

Scene : Hindi dapat magtampo ang kampo ni Sharon Cuneta sa paulit-ulit na teaser ng pagbagsak niya sa stage ng Araneta Coliseum noong Martes dahil hinangaan ng lahat ang kanyang ipinamalas na professionalism.

Seen : Hindi napapagod si Kuh Ledesma sa kanyang panawagan na i-regulate ng gobyerno ang pagtatanghal sa Pilipinas ng mga foreign artist. Ginamit na halimbawa ni Kuh ang Metro Manila Film Festival dahil kung may MMFF ang mga pelikulang Tagalog, ibigay sana sa Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit ang Valentine’s Day.

Scene : Ang concert ni Miriam Pantig sa Zirkoh noong Huwebes. Walang kakupas-kupas ang ganda ni Miriam at ang kanyang husay sa pag-awit. Si Lorna Tolentino ang isa sa mga well-wisher ni Miriam.

vuukle comment

AHRON VILLENA

ALJUR ABRENICA

ARANETA COLISEUM

BOY ABUNDA

HUBERT WEBB

KUH LEDESMA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MIRIAM PANTIG

NAMAMASKO PO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with