Isa kami sa press people na nakatanggap ng e-mail ng fans ni Heart Evangelista na kahit walang binanggit na mga pangalan, obvious na para kina Annabelle Rama, Ruffa at Raymond Gutierrez ang kanilang e-mail at nagre-request na tama na ang conflict ng aktres at ng manager niya at mga anak nito.
Hiningi rin ng fans ni Heart ang aksiyon ng GMA 7 para matigil na ang sabi nila’y character assassination sa aktres. Hindi lang daw ang pagbibigay ng Dwarfina kay Heart ang dapat nilang gawin, alagaan din daw nila si Heart.
Anyway, sa bagong tweet ni Raymond na “My track record can speak for itself. I haven’t been involved in conflicts & I’ve never burned bridges…Hope others could say the same,” obvious kung kanino ito patama.
Viva bubuuin uli ang Bagets
Maganda ang plano ng Viva Films at TV5 sa TV version ng Bagets at marami ang matutuwa sa mga nakapanood ng original movie ‘pag natupad. Balak daw ng mga producer na kuning guest sina Aga Muhlach, William Martinez, at Quezon City Mayor Herbert Bautista for a few episodes.
Magkakasama ang tatlo sa Bagets movie at malaking tulong kung kasama sila sa cast ng TV version. Hindi mahihirapan ang TV5 na kausapin si Aga dahil contract star na nila ito, gumawa na rin ng show si William sa istasyon at sana lang, kaya na niyang magtrabaho. As for Mayor Herbert, siguro naman puwede siyang mag-guest.
Hindi raw babaguhin ang plot ng TV version ng Bagets na pito ang bida, lima ang babae at dalawa ang lalake. Ang sabi, ilan sa bida’y galing sa XLR8 at kasama rito ang kapatid ni Aga. Dalawa naman daw sa female leads ay members ng Pop Girls.
Pero tama bang wala pang napipiling director para sa Bagets? Bakit hindi kunin ang original director na si direk Maryo J. delos Reyes?
Kesa maging co-director lang
Direk mas pinili ang trabaho sa ibang network
Dalawa dapat ang director ng isang umeereng soap, pero mula nang mag-pilot ang soap hanggang ngayong ilang linggo na itong napapanood, mag-isa ang main director dahil hindi sumisipot ang kanyang co-director.
Wala raw sinasabi si direk kung bakit hindi siya sumisipot sa taping, kaya baka kumuha na lang ang network ng ibang co-director o baka kumuha na ng co-director dahil mabigat ang trabaho ng main director.
Obviously, hindi alam ng staff ng soap na may project din ang ‘di sumisipot na director sa ibang network at nagsimula na rin itong mag-taping. May rason tiyak si direk kung bakit mas pinili ang project ng kabilang network, pero dapat sabihin niya ang totoo para makakuha ng kapalit niya at ng walang trabahong nabibitin.
Aki dagdag na pampainit kina Richard and solenn
Kasama pala si Akihiro Sato sa BFF o Best Friends Forever episode ng My Valentine Girls, ang Valentine movie na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez. Sa nakita naming picture, kasama ni Aki sina Richard at Solenn Heussaff, ang hula namin, involve ang karakter niya sa movie kay Solenn. Join din sa cast ng episode si Lovi Poe, no wonder, ‘hot’ ang description ni direk Andoy Ranay sa kanyang cast.
Magkakasama rin sina Richard, Solenn, at Aki sa Captain Barbell, kaya parang pre-programming nila ang Valentine movie sa pagsasama nila sa telebisyon. Tama ba kaming first movie rin ito ni Aki?
Sa February 9, 2011 ang showing ng My Valentine Girls na co-produced ng GMA Films at Regal Films.