TRUE : Sabi ni Heart Evangelista, kung magkita sila ni Annabelle Rama lalapitan niya ito para batiin bilang respeto sa dating manager.
Sagot naman ni Annabelle, kung ano man ang gustong gawin ni Heart, gawin na niya, huwag na niyang pag-usapan pa sa mga interview. “Kung ano ang plano niya, huwag na niyang sabihin pa sa interview, gawin na niya. Para maramdaman ko naman kung sincere siya sa mga sinasabi niya,” pahayag nito.
Naintindihan daw niya kung ano ang naramdaman ni Raymond Gutierrez kaya hindi na ito nakipagbati kay Heart nung nakaraang Linggo.
Si Raymond nga raw ang nagkumbinse sa kanya na tulungan si Heart na ibalik ang career nito at kunin itong leading lady ni Richard Gutierrez sa Asero. “Sabi ko naman kay Raymond, sabihin niya kung ano ang naramdaman niya para hindi siya lalabas na plastik!” sey pa uli ni Bisaya.
TANONG : Totoo kayang na-insecure na raw ngayon si Mark Herras sa magandang takbo ng career ni Aljur Abrenica?
“Wala po! Never!” deretsong sagot ni Mark.
“Ever since naman actually nung Starstruck days pa lang, everytime na tinatanong ako nung Starstruck 2, 3, 4, 5 never akong naglagay or never akong nag-isip sa sarili ko na mai-insecure ako sa mga bagong darating. Kasi para sa akin dapat ‘di ba alam mo ‘yun, magtutulungan kami. May ibibigay sa kanyang project eh ‘di okay. Okay sa akin ‘yun,” patuloy ng aktor.
“Actually, hindi maiiwasang pagkumparahin kami ni Aljur, dahil ‘di ba parang kami ngayon ‘yung halos magkasing-edad. Pero sa akin talaga healthy competition ‘yun. Ayokong isipin or ayokong sabihin na nakikipagtagisan ako kay Aljur kasi okay naman kami,” dagdag pang pahayag ni Mark.
Magkasabay sila ngayon ni Aljur na nagti-training ng speech lesson kaya hindi na nga sila dapat gawan ng intriga.
TOTOO KAYANG panay daw ang sabit ng kilala at magaling na aktor sa mayaman at mas sikat na male celebrity para lang kumita siya?
Hanggang sa casino ay sumasabay daw itong si kilalang aktor dahil ang pinakamababang naiuwi niya ay 100 thousand pesos na binibigay sa kanya ni mayamang male celeb.
Aminado naman si kilalang aktor na hirap siya ngayon kaya sumasama na lang siya sa mga kaibigang willing tumulong sa kanya.
Kamakailan lang ay namataan sa isang kilalang hotel na nagka-casino si mayamang male celeb at nandun na naman daw si kilala at magaling na aktor.
TSIKA LANG : Hindi na naman natuloy ang arraignment ni Baron Geisler sa kasong Acts of Lascivousness at Unjust Vexation na isinampa ni Yasmien Kurdi laban sa kanya.
Ang dahilan, hindi raw pinayagan si Baron na umalis sa taping ng Noah. Nagtaka naman ang prosecutor ng Bocaue Municipal Trial Court dahil ang pagkakaalam daw niya wala na sa Noah si Baron.
Kaya sabi ng judge na si Hon. Lauro Bernardo ng Bocaue-MTC, aabangan daw niya sa Noah kung nandun pa nga si Baron.
Muli itong pinagbigyan ng isa pang linggo para makasipot na sa arraignment na naka-schedule sa January 19.
Hindi napigilan ni Yasmien na maiyak sa sobrang inis dahil abala rin daw siya, pero naglalaan siya ng oras para daluhan ang naturang hearing.
Kaya pursigido itong ituloy ang kaso, lalo na’t hindi naman naglalabas ng public apology ang aktor.