Gerald inaayos ang katawan
MANILA, Philippines - Ibinahagi ng Action Drama Prince ng bansa na si Gerald Anderson sa isang panayam na naka-focus siya sa kanyang mga proyekto ngayong taon at sa pagpapaganda pa lalo ng kanyang katawan.
“My new year’s resolution is to have the best body I can get. Aside for the health reasons, demanding kasi ‘yung mga projects this year so gusto ko rin na maayos ang katawan ko,” pahayag ni Gerald.
Araw-araw kung mag-training si Gerald para sa kanyang nalalapit na seryeng Rod Santiago’s Buhawi Jack kung saan siya ang bida. “Arnis kasi ‘yung martial art dito and the cast members really need to learn the basics para we can do our fight scenes well,” paliwanag ni Gerald.
Ipinakita rin ni Gerald ang kanyang mga natamong sugat sa kanyang pag-eensayo ng Arnis.
Katambal ni Gerald Anderson ang pinaka-bagong Kapamilya star na si Jewel Mische na siya ring nagte-training ng nabanggit na Pinoy martial art.
Mapapanood ang Rod Santiago’s Buhawi Jack tuwing Sabado na mag-uumpisa na sa January 22 sa ABS-CBN.
East of Eden wakas na ngayong gabi
Ngayong Huwebes (Enero 13), magwawakas na ang 2008 multi-awarded Korean drama ng GMA Network na East of Eden.
Dahil nga alam na nila Alfred (Song Seung Hun ng Endless Love 1) at Frederick Lee (Yun Jung Hoon) na hindi sila tunay na magkapatid, magkakalaban na silang dalawa.
Nakakalungkot man ay magmumukhang kinakampihan ni Frederick ang kanyang tunay na amang si Tyrone Shin sa kabila ng lahat ng pinagdaanan nilang trahedya ni Alfred dahil sa taong iyon.
Magpapatuloy kaya ang laban nina Alfred at Frederick o matutuklasan nilang hindi man sa dugo, ganap pa rin silang magkapatid sa kanilang puso? Ano rin kaya ang mangyayari sa ibigang Alfred at Grace? Matatapos pa kaya ang kasamaan ni Tyrone?
Huwag palampasin ang pagtatapos ng istoryang ito tungkol sa hidwaan, kapalaran at pamilya.
Panoorin ang finale ng East of Eden ngayong gabi pagkatapos ng The Baker King sa GMA 7.
Kuwento ni Mang Kardo totoo
Nakakaaliw na ang bawat eksena sa Dwarfina. Nagulat si Yna (Heart Evangelista) at Lyndon (Dennis Trillio) sa isa’t isa. Na-realize ni Lyndon na totoo nga ang kinukuwento ni Mang Kardo (Cris Villanueva) sa kanya tungkol kay Yna. Magkakapalagayan ng loob ang dalawang bata at for the first time ay ilalabas ni Lyndon si Yna para maglaro.
Pursigido pa rin si Yna na i-please ang Ate Lucille niya, kaya lahat ng gusto nito ay ginagawa niya kahit mahirap at kahit paminsan ay napapahamak pa siya.
Meanwhile, sa dating punso, lalabas ang dalawang batang duwendeng magkaibigan na si Elvin at Duwentukin. Sinundan nila ang ama nila na lumabas din sa punso - si Marcial at Wendong. Pinuntahan nila si Yna at kinuhanan nila ng gamit ang gwendikam para ipakita kay Abiana. Taka si Elvin at Duwentukin dahil meron palang taong maliit na parang duwende din kagaya nila. Tao ba siya o duwende?
Sa mundo ng duwende, gumagawa ng paraan si Romera para makita ang anak nila Abiana pero hindi siya nagtagumpay. May panata kasi si Abiana na sa ikapitong taon na muli ilalabas si Dwarfina.
Babalik naman muli si Lyndon sa bahay nila Lucille para makipaglaro sa kanya pero ang gusto niya talagang balikan ay si Yna. Dinala muli ni Lyndon si Yna para mamasyal at pinasakay niya ito sa loob ng lunchbox niya. Makikita naman ng mga bully na classmates si Lyndon sa labas at ipipilit na buksan ang lunchbox niya. Makikita kaya nila si Yna doon sa loob?
- Latest